1 Day Process. LTO Transfer of Ownership and Renewal of Registration

TRANSFER OF OWNERSHIP and RENEW REGISTRATION 1 DAY(WHOLE DAY) PROCESS: Update Feb 10,2021

Share ko lang sirs/mams na’experience ko during my Transfer of Ownership and Renewal Registration ng motorcycle ko pinagsabay ko na since Feb na paso ng registration ko.

Disclaimer: Ito ay base lang sa napagdaanan at nagawa ko maaring katulad o maiba ito sa process na pede nyong mapagdaanan

image

TRANSFER OF OWNERSHIP Requirements:

  1. Original and Xerox Copy of OR and CR (Matic nakapangalan pa ito sa 1st Owner).
  2. Original and Xerox Copy DEED of SALE (Notarized).
  3. Xerox Copy ng VALID ID’s (minimum 2 Valid ID’s) ng 1st Owner with 3 signatures. VALID ID’s means Hindi dapat naeexpired or Expired.
  4. Xerox Copy ng VALID ID’s(minimum 2 Valid ID’s) ko or Present Owner with 3 signatures. VALID ID’s means Hindi dapat naeexpired or Expired.
  5. HPG Clearance.
  6. Insurance (Dapat nakapangalan na sainyo ang insurance hindi na dapat sa 1st Owner para hindi na kayo dumoble pa ng gastos sa insurance… pwede nyo ito sabihin sa kukuhaan nyo ng Insurance na sainyo na ito Ipangalan.) (TIPS: Based sa Experience ko wag kayo kukuha ng Insurance sa Cebuana sapagkat hindi nila ipapangalan sayo ang Insurance kundi sa 1st owner pa din or yung name na indicated sa OR/CR. ito ang naexperience ko sa branch ng Cebuana na napuntahan ko. Di ko lang sure sa ibang cebuana).
  7. CTC or Certified true Copy (Maaring kailangan or Hindi na) explain ko nalang sa steps.

RENEW OF REGISTRATION Requirements:

  1. Original or Xerox Copy of OR and CR.
  2. Original or Xerox Copy of DEED of SALE.
  3. Emission Report.
  4. Insurance (maaaring magamit mo ito sa Transfer of Ownership at Renew registration iisa na lamang ito basta’t sainyo na nakapangalan.)
  5. MVIR (Details ito ng Motor at Stencil ng Engine no. and Chasis Number).

1st STEP: Checking of Documents muna ako. Sinigurado kong nasa akin ang mga Original OR and CR, Orginal DEED of SALE(Notarized) ,Xerox Copy ng VALID ID’s ng 1st Owner na merong tatlong Pirma at Xerox Copy ng VALID ID’s ko(2nd Owner or Present Owner na merong tatlong Pirma ). kung ang mga ito ay wala ka pa agad maaring ito muna ang gawan ninyo ng paraan at asikasuhin bago pa magpatransfer of Ownership. after checking of documents pina XEROX Copy ko ito isa isa na merong tig LIMANG KOPYA(para sure na di na maghanap ng XEROXAN hehe).

2nd STEP: Nagpa Emission muna ako(Para sa Renew Registration lamang ito) at Kumuha na din ng Insurance(Para ito sa Transfer of Ownership at Renew Registration na din iisa na lamang ito) sabi ko nga dapat sainyo na ito nakapangalan at hindi sa 1st Owner.

3rd STEP: Kailangang Gawin or Maaring Hindi na… nakadepende ito kung saan ang inyong MotherFile/LTO Field Office Makikita nyo ito sa inyong CR(See Pics for sample makikita ninyo yung nakabilog na pula yun ang inyong Motherfile or LTO Office) Dun lamang kayo maaring makakuha ng CTC or Certified true Copy. kung ang inyong MotherFile ay nasa loob ng NCR tingnan lamang ang MV Fille NO. ang unang apat na digit ay ang inyong Motherfile/LTO Office halimbawa *1303 ito ay nasa LTO G.Araneta Quezon Ave. kung ang inyong MotherFile/LTO Field Office naman ay nasa labas ng NCR or Provinces pumunta sa pinakamalapit na LTO satellite office sainyong lugar or kung saan kayo magpapatransfer of ownership upang magrequest ng Confirmation. ang LTO satallite office na mismo ang magpaprocess ng Confirmation upang hindi na kayo ang pumunta pa mismo sa provinces motherfile. Hintayin na muna ang inyong confirmation bago kumuha ng HPG Clearance. para saakin kumuha pa din ako ng CTC sa NCR MotherFile ko para sigurado, ngunit hindi naman na ito kinailangan pa at hindi na din hinigi sa LTO nung ako ay nagpaTRANSFER OF OWNERSHIP sa LTO Taguig Satellite Office.

4th STEP: Kumuha ng HPG Clearance: Pumunta sa isang HPG Satellite Office (See picture of Available HPG Satellite offices) nasa sainyo kung saan kayo malapit or saan nyo gustong pumuntang HPG satellite offices. Para sa aking sa HPG 20th Avenue Cubao QC ako pumunta nakuha ko ito agad o within the day lang din. sa pagkakaalam ko ang ibang HPG satellite offices ay nagbibigay pa ng stub upang balikan nalang ang inyong HPG Clearance sa loob ng tatlong araw pa. Ang Requirements sa pag kuha ng HPG Clearance ay:

  1. Original and Xerox Copy of OR and CR (Matic nakapangalan pa ito sa 1st Owner).
  2. Original and Xerox Copy DEED of SALE (Notarized).
  3. Xerox Copy ng VALID ID’s (minimum 2 Valid ID’s) ng 1st Owner with 3 signatures.
  4. Xerox Copy ng VALID ID’s(minimum 2 Valid ID’s) ko or Present Owner with 3 signatures.
  5. Insurance (Dapat nakapangalan na sainyo ang insurance).

Pumunta sa evaluator ng HPG dito ipapasa at titingnan ang mga requirements, kapag kumpleto na ito ay bibigyan kayo ng Payment stub at papapuntahin sa pinakamalapit na LandBank at dun magbabayad. sa Landbank naman ibibigay ang stub at bayaran. kapag nakabayad na ay bibigyan ulit kayo ng Resibo ni landbank at maari na ulit kayo bumalik sa HPG, ibibigay nyo ulit ito sa evaluator at bibigyan naman kayo ng FORM Fill UP’an nyo ito at tapos ay papapuntahin na kayo sa Inspector hintayin tawagin ang pangalan para sa stencil ng inyong motor. pagkatapos nito ay magkakaroon ng Picture Taking kasama ang tiga HPG at Present Owner kasama ang Motor. pagkatapos nito ay hintayin muli na Tawagin para sa releasing ng HPG Clearance. Note: Hindi kukunin ng HPG ang lahat ng Orig Documents ninyo ichecheck lamang nila ang mga ito at mga Xerox lamang ang kukunin nila.

5th STEP: Kapag meron ng HPG Clearance pumunta na sa LTO Office kung saan kayo magpapaTransfer of Ownership. sa sakin ay sa Taguig LTO office…Dala ang mga Original Requirements for Transfer of Ownership at Original Requirements for Renew Registration sabay ko na ito pinasa at na process din agad kung ito ay kompleto na lahat. at yun na nga narelease na ang Bagong OR at CR ko na nakapangalan na sakin 🙂

Expenses: HPG clearance 500, Insurance 550, Emmision 500, LTO transfer and registration Fee 650… others Fee: xerox and abot abot sa mag stencil…

Nagawa at Nakuha ko naman ito lahat sa isang araw lamang maagang maaga at nakauwi ng gabi haha. nakadepende talaga ito sainyo at sa mga documents/requirements na meron na kayo. yun lamang salamat nalang sa lahat 😃

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/470893727270845/