2nd Hand Motorcycle LTO Transfer of Ownership

2nd hand Motorcycle

kung bibili kayo ng 2ndhand MC’s

tandaan ninyo ang mga sumusunod:

  1. Make sure na may Original OR/CR ito.

  2. Walang Pending case/Hindi naka alert sa HPG in short hindi nakaw/chopchop at walang criminal liabilities.

  3. May kompletong Documents para sa Transfer of ownership.

    3.1 Absolute Deed of Sale notarized by a Public Attorney. note mas magandang gumamit ng tamang format ng DOS.

    3.2 Photo copy of 2 Valid ID’s w/ three signature ng Owner yong mismong nakapangalan sa OR/CR

    3.3 (Optional) Affidavit of warranty LTO pwede nyu na isabay yan dun din sa abogado na nag notarized ng DOS ninyo. optional kasi di lahat ng LTO offices humihingi niyan.

Transfer of Ownership

(ito na yung madugo) kung mapapaso na na ang rehistro ng 2ndhand MC ninyo pwede na pagsabayin ang Transfer at renewal.

First step: Tumungo sa pinakamalapit na LTO office at magrequest ng Confirmation ng OR/CR sasabihin ka nila ng Dalawang Option Online or personal mo itong pupuntahan pagpinili mo yung online mageemail lng sila sa originating office ng motherfile ng MC mo wala itong bayad at ittxt ka ng LTO kapag may dumating ng confirmation saka ka palang pwede mag transact 2nd option magbabayad ka ng 200 para madala ung request of confirmation mo sa originating office ng motherfile mo ikaw mismo ang pupunta doon pero sa ibang LTO office nagpapaLBC daw sila 300-500 pesos yun ( matindi ano? note wala daw resibo binibigay sa mga nakaranas nito alam na ninyo yun.) to make this short need ninyo ng confirmation/CTC bago mag proceed sa 2nd step. sa panahon na nagiintay ka ng txt ng LTO kung ayaw mo ng Hassle pwede mo unahin ang 3rd step at fourth step.

Second step: kapag may confirmation/ CTC kana maara ka na pumunta sa pinaka malapit na PNP- HPG para magtransact ng Clearance/macro-etching certificate, 2-7 Working days bago ninyo ito makuha 300 pesos ang bayad dito at sa Landbank nyu lang ito pwedeng bayaran. 7 days lang ang validity ng clearance na to kaya dapat magtransact mo na ito agad sa lTO. kung ayaw mo naman ng hassle pwede mo unahin ang 3rd step at fourth step habang naghihintay ka ng release ng clearnce from HPG.

Third Step: balik tayo sa LTO kailangan kung renewal and transfer of ownership na ang MC nyu kailangan nyu ng Emission Test. kung transfer of ownership lng deritso na kayo sa MVIR motor vehicle inspection para sa stensil ng MC nyu.

Fourth step: Insurance kung renewal and Transfer of Ownership ang MC nyu kayo na dapat ang nakapangalan sa Insurance na ipapagawa nyu. kung ito naman ay transfer of ownership lng kailangan nyu ng COC certificate of cover/ or endorsement of insurance.

Fifth Step: balik sa public service assistance desk ipakita lahat ng Requirements ipadouble check kung may kulang pa iaayos nila ang mga documento mo at bibigyan ka ng number nito upang tawagin sa mga transaction windows at kapag nasa releasing kana natapos mo na ang lahat ng challenges na pagdadaanan mo para lang maging sayo na ng tuluyan ang minamahal mong MC. patience is a virtue at wag mahihiyang magtanong. iwasan ang fixer hanggat maari. tandaan nyu na trabaho ng LTO na pag lingkuran kayo. wag kayo matakot magsalita at makipag usap sa mga employee nila and be courteous.

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/298427241184162/

2 Likes