Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide ang mga shellfish sa tatlong lugar sa Eastern Visayas.
Ayon sa report ng BFAR, nagpositibo sa paralytic shellfish poisoning toxin ang mga sample mula sa karagatang sakop ng Biliran Island; Leyte, Leyte; at Daram, Samar.
Umapela ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa mga nasabing dalampasigan.
Dagdag pa sa abiso ng BFAR sa rehiyon, maaari naman daw kainin ang mga isda, pusit, at alimango basta hugasan nang husto bago lutuin. Mainam na dagdagan ng suka ang tubig na panghugas.
That was just your topic before and my questions too. I guess it won’t last long.
I guess so too. Good thing they have reported to avoid the risks of eating contaminated seashells.