Change of Ownership Done! Good Job sa LTO Bicol Sorsogon (Processing of my COO 18 Minutes lang tapos agad!)
na gastos ko… 300 sa HPG 300 sa LANDBANK - CRIME LAB (Free) sa LTO 580 for COO. (may Penalty ako kaya umabot ng 580, siguro kung walang PENALTY mas mababa pa sa 580 ang Binayaran ko para sa COO ko)
Kailangan ang Deed of Sale with two valid ID and Three Signatures Specimen, at dapat naka Notaryo (NOTE NEED TALAGA NG 2 Valid ID at tatlong pirma nia. Pag wala yan TALAGANG MAHIHIRAPAN KAYO… (sa Deed of Sale mag hanap kayo ng Mura lang meron jan mga 200 lang.
Sa Insurance minsan ang dating First Owner parin ang nakalagay doon sa Insurance dahil sa kanya pa rin kasi naka pangalan ung sa CR, may naka lagay lang na “OR” at name mo na un. Sa insurance mura lang meron 300 lang mag hanap ka lang po.
Based on my Experience eto sunod sunod na ginawa ko.
LTO - HPG - LANDBANK - CRIME LAB - HPG - Last LTO.
Inuna ko sa LTO kasi pinacheck ko na ang Deed of Sale ko kung ok na, tapos kumuha na ako ng Form sa LTO tapos minsan kasi ung First Owner naka Register example sa Quezon City tapos ikaw na naka bili nasa Bicol ka an doon ka mag rerenew or sa ibang Region. Need mo muna kumuha ng Mother file dont worry Pwdeng ang LTO mismo ang mag rerequest ng Mother File mo doon sa Quezon City hintayin mo lang tawag at text nila. Kasi kung pupunta ka agad sa HPG hindi ka nila aasikasuhin pag hindi mo pa dala ang Mother File ng CR mo. At sa LTO pwde ka agad mag pa Motor Vehicle Inspect. Pag okey na punta ka na ng HPG - sa HPG gagawa sila ng Request for Micro Etching Certificate tapos wait ka lang dahil may Picture Taking na magaganap kasama c Officer Syempre ang Motor mo at kasama ka. may ibibigay na Payment form c HPG papuntang LANDBANK 300 pesos lang naman Goodluck sa pag bayad kasi haba ng Pila. Take note! Dapat mabayaran mo agad sa araw na un. Tanging sa Landbank ka lang makaka bayad ng 300 pesos walang bayad Center. Pag naka bayad ka na Punta ka na sa Crime Lab - mabilis lang jan at take note walang bayad sa Crime Lab! Pag tapos na may ibibigay na Certificate sayo, un naman ang dadalhin mo ulit sa HPG! Gagawa na ang HPG ng PNP MV clearance Certificate. At un dadalhin muna sa LTO for processing for CHANGE OF OWNERSHIP. (Note Based on my Experience ko po ito.) shinare ko lang po.
Read more car registration guide.
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/292471525113067/