Convert Foreign License to Philippines License. Easy Process

Paano magpaconvert ng Driving License sa Ibang bansa into Philippine Driving License??? Simple lang mga Kabayan - heto ang proseso!

  1. I-ready ang documents:
    a. International License (photocopy and Original)
    b. Passport (photocopy and Original)
    c. Entry Stamp (photocopy) - tatak sa page ng passport kung kailan ka dumating sa Pilipinas.
    d. Application Form - bibigyan ka in advance ng registered clinic kung saan ka magmemedical.
    e. Medical Certificate - may listahan ng registered clinics near your place - or near LTO mismo. Visit LTO’s website para dito.
  2. Dalhin ang documents, mag ready ng ballpen kung sakali. Chill chill ka lang sa loob - may window kung saan isasubmit ang requirements para macheck kung kumpleto na. Mabilis lang ang proseso.
  3. Kung non-pro license ang kukunin mo, wala ng exam - pagkatapos mong magbayad at picturan, wait ka lang ng mga 15mins at meron ka ng ID

Note: May bayad yung ID holder kya kung kuripot ka - bala ka na sa buhay mong dumiskarte.

Ang babayaran lang ay ang sumusunod:

Medical: 450
License: 854
Total: 1304

Madaming fixers sa labas na may kanya kanyang pormahan, try mo pag nahuli ka e kulong ka din. Mabilis lang, iexperience mo na!

image

Read more license guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/303816913978528/