Ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Aprubado na ng pamahalaan ang badyet para sa 2nd tranche ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).
“As of yesterday, I was informed by our finance management service na mukhang aprubado na rin ang second tranche,” pagbibigay-diin DSWD Erwin Tulfo sa isang pagpupulong nitong Huwebes.
"So, another two months na naman po yata ang i-release ng DBM para po diyan sa TCT (Targeted Cash Transfer) na naipangako ni dating Pangulong Duterte,” ayon sa kalihim.
Nauna nang inihayag ng ahensya na tatanggalin na nila ang 1.3 na benepisyaryo ng 4Ps bilang bahagi ng “paglilinis” sa listahan ng programa.
Ipinaliwanag din ng kalihim na pinag-aaralan na nilang gawing digitize ang pamamahagi ng cash assistance.
“Hindi na talaga manu-mano na cash ang ibibigay natin kundi ang gagawin natin ay QR-codes na lang. Ipapadala namin sa cellphone ang QR codes,” dagdag pa ng opisyal.
It is good that they have this in your country. Hoping they can give more assistance to those who are in need