How to Convert a VALID Foreign Driver’s License to a Non-Pro Philippine Driving License? (I am answering based on what I have experienced the same question I posted last week.)
Disclaimer: Hindi po ako expert at di ko rin po masasagot kung sakaling may tanong po kayo na di related sa post ko.
-
Go to any LTO licensing office with your requirements:
-
Para sa KSA driving license pumunta po muna kayo sa National Commission on Muslim Filipinos para sa official translation ng lisensya nyo (700 pesos ang cost ng translation).
-
Kung english po ang driving license nyo or may english translation ay dumiretso na po kayo sa LTO.
-
Photocopy ng driving license (back to back).
-
Photocopy ng passport page mo na may personal details mo.
-
Photocopy ng stamp kung kelan ka dumating sa Pilipinas. (Officially ay dapat one month ka nang nakauwi bago ka mag-apply. Sa case ko ay 15 days pa lang pero dahil hindi na muna ako babalik ng Saudi ay ipinaliwanag ko sa LTO na napakahirap mag-explain sa traffic enforcers just in case na masita lalo at hindi naman lahat sila ay alam ang policy ng LTO na allowed kang magdrive for 90 days dito sa Pilipinas gamit ang lisensya mo sa ibang bansa.)
-
Dalhin mo rin ang ticket mo as a proof ng date ng arrival mo dito sa Pilipinas. (Hindi po sapat sa kanila yun tatak ng immigration natin nun dumating tayo dito sa Pilipinas.)
-
Magpa-medical (450 ang binayaran ko. Depende po iyan sa clinic). May LTO licensing offices na may medical clinic na sa loob kaya diretso na lang po kayo sa loob. Wag na po kayo magpaharang sa mga fixers dahil bawal po iyon at madali lang naman ang proseso.
Kung wala namang medical sa loob ng LTO office na napuntahan nyo ay sure na meron sa mga paligid nun.
-
After po ng medical, pumila na po kayo para ipasa ang requirements nyo for evaluation.
-
Kung ok po ang mga requirements nyo at naverify po na kumpleto na, you will proceed sa biometrics.
-
Then payment (852 pesos). Wala na pong written at practical exam para sa conversion sa non-pro (sa pro ay meron po).
-
After magbayad, hintayin sa releasing window na tawagin po ang pangalan mo.
-
Pagkakuha mo po ng lisensya, may plastic card doon para protected ang bagong-bagong license mo po (binebenta po yun,sa pinuntahan ko ay di naman sapilitan).
-
Wag mo po kalimutang mag-thank you sa mga LTO staff na nag-assist sa’yo bago ka umalis.
I hope na makatulong ito sa may katulad na tanong ko dati. God bless!
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/362858571407695/