How to Process LTO Transfer Ownsership and Certificate of Registration

Sa hinaba-haba man daw ng sakripisyo, sa huli makukuha mo din ang pinapangarap na Transfer of Ownership at Certificate of Registration na naka-pangalan na sayo (success).
image

Ano ginawa ko?

Issue ng motor na second hand na nakuha ko: Paso rehistro 4yrs na and magpapa transfer of ownership ako.

  1. Pumunta ako sa motherfile ng LTO para magpa CTC, July ko pa to kinuha since naging busy di ko naasikaso yung kasunod na step.

  2. HPG para sa clearance, ito yung dapat maaga ka pupunta na wala pang 5am nakapila ka na para matapos ka within the day. Bayad sa Landbank ng 300 then nag advise sila sakin (HPG) na kumuha na ako ng insurance dun para di hassle which is nakatulong din sakin kasi naharang ako sa checkpoint at hinahanap insurance ko. Then wait mo bigyan ka ng clearance from HPG na dadalhin mo sa LTO.

  3. Emission, katulad ng sa HPG maaga din ako pumila at na tsambahan ko lang na naasikaso ako dun.

  4. Last step LTO, isa din to na dapat maaga ka na wala pa si haring araw naka pila ka na. Ipapa stencil muna yun motor mo then bibigyan ka ng form ng LTO para ipakita sa loob to process Transfer of Ownership and Certificate of Registration. Bayad dun 1,013 sakin (depende kung gano katagal ng paso rehistro mo). Then wait ka lang tapos makukuha mo na inaasam-asam mong Transfer of Ownership and Certificate of Registration na naka-pangalan sayo. Yun lang 🙃

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/357375221956030/