How to Process Motorcycle Change Color at LTO and HPG

HOW TO PROCESS THE CHANGE COLOR OF YOUR MOTORCYCLE?
LTO AND HPG Process

‼️‼️DISCLAIMER: Itong process na shinare ko ay base lamang po sa experience ko sa HPG 20th Ave. Sa ibang HPG raw po kasi inaabot ng 2-3 days bago ma-release ang clearance. Also, yung mga price ng documents ay depende rin po sa lugar ninyo. Puwedeng mas mura or mas mahal. Yung iba tinanong ko lang sa mga nag-aayos rin ng kulay para makatulong sainyo. Hehe 😀

DOCUMENTS NEEDED:

  • AFFIDAVIT OF CHANGE COLOR - P200.00 (Original and Photocopy)
  • SPECIAL POWER OF ATTORNEY - P250.00 (Kung hindi saiyo naka-pangalan yung motor. Need pirma ng may-ari dito) Original and Photocopy
  • JOINT AFFIDAVIT OF CHANGE COLOR - P500.00
  • Photocopy ng OR/CR ng motor
  • Photocopy ng ID mo at ng may-ari ng motor (suggest ko saiyo tig-4 copies).

STEP 1: Pila ka sa malapit na HPG sa lugar niyo for clearance.

In my case, sa HPG 20th Avenue ako kumuha kasi malapit sa work ko.

TIP: Hindi mo kailangan pumila ng sobrang aga sa HPG 20th Ave. Kahit mga 6am or 7am ka dumating dito kasi ang gagawin nila bibigyan ka nila ng slip para yun ang bayaran mo sa Landbank. 'Wag lang kayo pipila ng 9am kasi cutoff na nila yun dahil 50pax lang pina-process nila kada araw.

Bago ka nila bigyan ng “Order of Payment” slip na babayaran mo sa Landbank. I-checheck muna nila yung mga documents mo. Mababait mga nagpoprocess dito sa 20th Ave. As in. Kung may problema ka sa papers mo, sasabihan ka nila kung anong dapat gawin mo para maging okay nilalakad mong papers.

Kapag oks naman papers mo, bibigyan ka nila ng slip na babayaran mo sa Landbank.

TIP: May malapit na Landbank sa HPG 20th Ave. Meron sa Cubao Aurora medyo malapit sa LRT Station ng Cubao. Nagbubukas yun mga 9am.Usually maraming tao doon. Kung gusto mo walang masyadong tao punta ka sa Landbank Katipunan sa harap ng Ateneo. 8:30 simula na magpapasok at magprocess ng transaction.

‼️FEE: P500.00

NOTE: Bago ka pumunta dito dapat nakapagpalit ka na ng kulay ng motor mo.

STEP 2: STENCIL OF MV

°Need OR nung binayaran mo sa Landbank.

Bale dito bibigyan ka nila sir ng MVCD Action Slip. Fill-out mo lang yun. May guide naman kung ano sasagutan mo doon tapos pasa mo ulit sakanila after with the documents needed.

🔸AFFIDAVIT OF CHANGE COLOR (Orig and Photocopy)
🔸PHOTOCOPIES OF VALID IDs
🔸PHOTOCOPY OF OR CR

‼️NOTE: KUNG HINDI IKAW MAY-ARI NG MOTOR LETS SAY SA KAPATID MO O KAIBIGAN MO OR NABILI MO ITO SA IBA NEED NG SPA DAHIL IKAW ANG NAGAAYOS NG PAPERS NG MOTOR. Photocopy rin nito ang need.

Tatawagin ka na lang para ma-stencil yung motor mo. Walang bayad ang stencil dito pero nasaiyo kung bibigyan mo sila kahit pangmeryenda lang.

NOTE: Need ng HPG picturan ka kasama ng pulis at ng motor mo for documentation bago i-release clearance.

STEP 3: RELEASING OF MC CLEARANCE

Kapag walang problem dito ire-release na nila yung MC Clearance mo. Sa station na ito may kasamang graduation sound pa pagkuha mo ng clearance. Hahaha.

Note: Pumila ako ng 6am. Natapos at nakuha ko yung clearance ng 11am. Mabilis lang sila mag-process ng documents kaya dito ako kumuha ng clearance. Sa iba raw kasi inaabot ng 2-3 days releasing. Not sure kung totoo.

STEP 4: LTO Inspection

Dito yung usual na ginagawa mo kapag renew. Ang madadagdag lang sa requirements mo ay ang JOINT AFFIDAVIT OF CHANGE COLOR at yung HPG CLEARANCE dahil yun ang need ng LTO.

TIP: Isabay mo na yung change color sa pag-renew ng rehistro ng motor mo.

Lahat to natapos ko ng isang araw lang. Hehehe.

❓❓❓Change Color Scenario:

°For example, ang nakalagay sa rehistro mo ay Matte Black. Nag-repaint ka ng Glossy Black. Need mo pong ipa-change color yan ayon sa LTO. Pero kung Black lang nakalagay sa rehistro, hindi mo na kailangan magprocess ng change color kasi same shade naman ng black ang ikukulay mo. Pero kung specific kung anong black nakalagay sa rehistro mo, at gusto mo palitan ng ibang texture ng black, need mo ipa-change color.

°About sa full wrap na ibang kulay, as long as same color ng nakalagay sa rehistro mo yung ipapakabit na wrap no problem. Pero kung ibang kulay na may huli na yun kasi illegal modification na raw ito ang sabi.

Yun lang sana makatulong sainyo. Hahaha. Ingat lagi!

Read more car registration guide.

1 Like

Sir if hulugan pa yung motor pde po ba sya ipa change color

Ano po ang requirements sa hulugan ang motor na gustong magpa change color

tama po ba matte red to ferrari red nid ipa change color