HPG Clearance and LTO Transfer of Ownership Application

PTPA…share ko lang po…sa mga kukuha ng HPG PNP Clearance…(as requirements sa transfer of ownership ng motor niyo)…

kung ang Field Office niyo po ay hindi NCR nakalagay…

let’s say "Manila East/North/South/West District Office…try niyo po mag punta dito sa HPG LALOMA…(picture inserted)
image

pumunta po kayo ng maaga as early as 4am para makapag lista kayo sa labas ng gate…(ako kanina 5am nakapunta pang number 15 na ako)

may cut off kse sila na 20 motor…pero kanina kinaya nila ng 40 motor ata…

  • after mo makalista…mga 8-9am sila mag start para mag verify ng requirements…

  • dapat dala mo ang Original OR CR ng first owner

  • (syempre dapat meron ka niyan kse nag pirmahan kayo sa Deed of SALE “DOS”…

  • Original Copy of DOS…

  • ID ng first owner…the best ang Drivers License niya kse LTO po ang pupuntahan mo…puede rin ang UNIFIED ID …make sure po yung address ng ID ni first owner eh parehas sa DOS para smooth ang galawan…kung hindi magtanong na lang po…wag na SSS at passport…pero kung wala magdala ka na din for back up at kausapin ang officer…

  • magdala ka din ng ID mo…again Drivers License is the best kse nasa LTO ka…

  • ipa-photo copy mo lahat ng mga original documents…then i compile mo yung mga photocopy at sympre dapat ganun din ang original copy kse i verify nila yan…

  • sa mga ID…sa bahay pa lang i pa photocopy niyo na…dapat photocopy muna bago pumirma si 1st owner para fresh signature…take note tatlong beses pipirma si 1st owner…

  • kung di kaw ang second owner…mag tanong sa officer…

  • after ma complete mo ang requirements…presto mag tatawag na paisa isa si officer according sa pinirmahan niyo sa labas ng gate…

  • pag na assess na mga papers niyo magbabayad na po tayo sa LAndbank ng 300 pesos lang para sa lahat na yan hanggang ma release ang certificate mo…may landbank na malapt diyan pede lakarin…

  • after payment ibabalik sa officer ang resibo kasama lahat ng mga photo copy na documents…dapat yung resibo ng landbank i pa photocopy niyo rin agad kse kukuhain yan sa loob…(may photocopy sa loob ng compound)

  • mag aantay ulit para sa pag stencil ng sasakyan…then ibibigay na sayo ang stub kung kelan mo makuha ang PNP CLEARANCE MO.

Kaya tapusin ng halfday ang proseso basta complete at tama ang mga dala mong documents…

TAKE NOTE:

  • mag HEAVY BREAKFAST KA…kung gusto mo tapusin ng haflday para derecho derecho ang processing (mahirap mag CR sa loob hehehe…iwas covid tayo…social distancing din dapat

  • dala ka sarili mong ballpen, alcohol at face mask…at TUBIG…mahal sa loob hahaha

  • medyo mainit sa loob dala ka paypay…

  • kung open pipe ka ibalik mo stock lahat…alisin ang mga ilaw na tingin mong bawal…para mabilis galawan…

  • matulog ng maaga hahahaha…

  • ang PNP CLEARANCE ay may expiration ng 7 days…so kung plano mo i rehistro ang motor mo…unahin mo muna ang emission testing at insurance…

  • last…MAGDASAL SA PAGPUNTA DOON PARA SAFE TAYO…

comment lang kayo pag may question…basta kaya kong sagutin base sa mga nalaman ko kanina sasagot po ako…

sana makatulong ito…iba ang HANDA bago sumabak sa gyera…

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/308515226842030/