January 29,2020 student license

Hello po, may nabasa po ako na 2020 po yung student license nya.The pina non pro po ng January 2021, P1500 lang daw po yun nagastos nya…Totoo po ba na kapag 2020 yung sp e ganon lang po magagastos? Salamat po…

May new process na kasi ngayun sa LTO ang Memorandum Circular No. 2019-2176: Rules and Regulations on Accreditation, Supervision and Control of Driving Institutions, and on Standardization of Driver Education na kailangan ng TDC bago makakuha ng Student permit at PDC bago makapag apply ng Driver’s license.

Ang requirements sa old process sa pagkuha ng lisensya (kapag ang SP mo ay nakuha before August 2020).

  • SP 317.63
  • Application fee 100
  • Car rental 250
  • License fee 585
  • Medical 300-500 depende sa clinic

Sa new process naman, required kang mag enroll ng PDC. May libreng PDC na inooffer si LTO at meron din sa mga LTO accredited driving school na nagkakahalaga ng 1500 pataas depende sa driving school.

Paano ba malalaman kung anong susundin old process ba na mas mura o new process na mapapamahal ka. Ang sagot, kapag hindi ka kumuha ng TDC sa pagapply mo ng student permit pasok ka sa old process.

Para masagot din yung tanong mo kung 1500 ba ang magagasto sa pagkuha ng lisensya. Kung itotal natin yung quotation ko sa taas nasa humigit kumulang 1500. Yan ang magagasto mo sa pagkuha ng lisensya kapag ang SP mo ay nakuha bago August 2020.

1 Like