Kamote tops

Maaaring marami ang hindi kumakain ng kamote tops lalo na sa mga bata dahil ito ay parang walang lasa sa kanila. Ang hindi nila alam ay bukod sa ito ay masustansya na, ito ay napakasarap na isawsaw sa bagoong o alamang na may kalamansi o suka. Ito ay punong puno ng mga bitamina tulad ng Bitamina A, E, C, calcium, iron, potassium, zinc at iba pa. At ang sabi pa ng iba, pag kumain ka nito ay limang oras kang busog. Paano pa kaya pag sinabay mo ito sa tostadong isda at maraming kanin.