Kaso vs. ex city Cebu ibinasura!

Ang kasong krimen laban sa dating alkalde ng Cebu City na so Tomas Osmeña hinggil sa pag uwi nito ng kagamitan ng dati niyang opisina noong 2019 ay ibinasura ng Office of the Ombudsman.
Sa isang resolusyon ng Ombudsman na isinapubliko nitong Lunes, Hulyo 11, ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng “probable cause.”
Ang pinag ugatan ng reklamo ay nang tangayin umano ni Osmeña ang ari-arian ng pamahalaan na nasa mayor’s office.
Kabilang din sa kinasuhan ng graft, theft at malicious mischief ang mga executive assistants nito, department heads, at security guards.
Noong 2019, binatikos ni incoming Cebu City Mayor Edgardo Labella si Osmeña matapos umanong tangayin ang mga tiles, mesa, kisame at dividers ng opisina.
Nilinaw ng anti-graft agency, sinunod ni Osmeña ang naaayon na pamamaraan sa pagpapaayos ng opisina na nasa ikawalong palapag ng Cebu City Hall noong 2016 bago pa magsimula sa kanyang termino.
Napag alaman din na ginastos ng dating alkalde ang kanyang personal na pondo para sa rehabilitasyon ng tanggapan nito matapos tanggihan ng konseho ng lungsod ang hiniling niyang ₱2 milyong budget.
Ito ang napagdesisyunan ng Ombudsman: “There is insufficient evidence showing that public respondents acted with manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence."

balita.net.ph

He has done a lot during his term.