1.) Ilang taon ang maaaring ibigay na lisenysa sa isang drayber na walang traffic violation?
- 10 taon na lisensya
2.) Ikaw ay malapit nang lumiko pakaliwa at isang mabilis na sasakyan mula sa kabilang bahagi ng kalsada ay patungo din sa direksyong nais mong likuan, ano ang gagawin mo?
- hayaang makalampas ang mas mabilis na sasakyan
3.) Maaaring isuspinde ang rehistro ng sasakayan kung ito ay:
- ang sasakyan ay hindi kaaya-aya
4.) Ang 30-araw na suspensyon ng lisensya sa pagmamaneho ay ipapataw kung:
- kung nabigo ang drayber na bayaran ang kaukulang multa sa loob ng 15 araw
5.) Maaari ka bang magparada sa loob ng interseksyon?
- Hindi
6.) Ilang oras maaaring gamitin ang Temporary Operator’s Permit (TOP) sa pagmamaneho?
- 72 oras
7.) Sa normal na traffic violation, sino ang maaaring kumumpiska ng lisensya?
- Ang mga ahente o enforcer lamang na itinalaga ng LTO
8.) Ano ang pangunahing layunin ng regular na pag inspeksyon ng isang sasakyan?
- Para tingnan ang kaayusan ng sasakyan
9.) Ang iyong lisensya ay nag-expired na. Pinapahintulutan ka pa bang magmaneho sa pinakamalapit na LTO upang i-renew ang iyong lisensya?
- Hindi
10.) Ang isang fabricated na kompartimento na lagayan sa likod ng upuan ng motorsiklo na itinuturing na isang aksesorya ng motorsiklo:
- Customized Top-Box
11.) Maaari bang gamitin sa pampublikong daan ang motorsiklo kung ito ay wala pang rehistro?
- Hindi
12.) Maaaring isuspinde ang rehistro ng sasakayan kung ito ay:
- ang sasakyan ay makakasira sa pampublikong kalsada
13.) Kailan maaaring gumamit ng telepono habang nagmamaneho?
- Pagtawag sa mga awtoridad para ireport ang krimen o aksidente
14.) Alin sa mga sumusunod ang kwalipikasyon ng isang maayos na drayber?
- Mga drayber na may kaalaman sa pagmintina ng sasakyan
15.) Ang isang kompartamento na nakakabit sa gilid ng motorsiklo na hindi tataas sa upuan ng motorsiklo na itinuturing na accesory nito:
- Saddle Bags/Box
16.) Ano ang maaaring ibigay na klasipikasyon ng lisensya sa mga bagong aplikante nito?
- Non professional driver’s license
17.) Sino ang di-sakop sa ilalim ng Republic Act No. 10666 o Children’s Safety on Motorcycle Act?
- Mga batang nangangailangan ng agarang atensyong medikal
18.) Saan maaaring ikabit ang karagdagang lamp ng motorsiklo at patungong direksiyon?
- Nakatuon pakanan
19.) Kailan maaaring hindi gumamit ng child restraint system ang isang bata?
- Kung ang bata ay may kapansanang pisikal o mental
20.) Saan ka hindi maaaring gumamit ng busina?
- Sa harap ng ospital o klinika
21.) Maaari bang gamitin ang duplicate o kopya ng lisenya sa pagmamaneho?
- Hindi
22.) Maaari ka bang magmaneho ng motorsiklo kung ang iyong lisensya ay may DL Code B ?
- Hindi
23.) Anong edad maaaring sumakay sa harapan ang isang bata na naaayon sa RA 11229?
- 13 taong gulang pataas
24.) Alin sa mga ito ang layunin ng pagkolekta ng Motor Vehicle User’s Chrage (MVUC)
- Para pondohan at maiwasan ang pagkasira ng mga kalsada
25.) Maaari bang bigyan ng 10 taon na lisensya ang isang drayber kung ito ay mayroong huli o traffic violation?
- Hindi