Kailan maaaring gumamit ng telepono habang nagmamaneho?
Sagot: Pagtawag sa awtoridad para ireport ang krimen o aksindente
Kailan maaaring gumamit ng telepono habang nagmamaneho?
Sagot: Pagtawag sa awtoridad para ireport ang krimen o aksindente
Maaaring isuspinde ang rehistro ng sasakyan kung ito ay:
Sagot: Ang sasakyan ay makakasira sa pampublikong kalsada
Ayon sa Children’s Safety on Motorcycles Act, ang isang batang wala pang 18 taong gulang ay hindi maaaring sumakay ng motorsiklo sa mga pampublikong kalsada maliban kung:
Sagot: Ang bata ay komportable na maabot nang kanyang mga paa ang foot peg ng motorsiklo, ang kanyang mga kamay ay maaring masalikop ang katawan ng drayber, at siya aya may suot na karaniwang proteksiyon na helmet
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?
Sagot: Ang drayber na may hawak ng lisensya para sa manual transmission ay maaring magmaneho ng may automatik na transmission
Ano ang dapat mong gawin kung may tumatawid sa isang tawiran na walang senyas trapiko?
Sagot: Huminto at hayaang makatawid sa tawiran
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mag resulta sa away kalsada?
Sagot: Pag-cut sa ibang motorista at pagtutok sa mga ito
Saan maaaring ikabit ang karagdagang lamp ng motorsiklo at patungong direksiyon?
Sagot: Nakatuon pakanan
Ano ang kailangan mong suriin upang magkaroon ng maayos pagtingin sa paligid habang ikaw ay nagmamaneho?
Sagot: Tamang pag aayos ng upuan ng driver at mga salamin sa gilid at likuran
Saan napupunta ang mga siningil na pera mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC)?
Sagot: Ang nakolekta na pera ay ginagamit sa pagsasaayos ng kalsada
Anong klaseng helmet ang dapat gamitin ng rider ng motorsiklo?
Sagot: Standard motorcycle helmet na naaayon sa panuntunan ng DTI
Kung huminto ka sa interseksiyon, anong kulay ng ilaw trapiko maaari kang gumamit ng telepono?
Sagot: Wala, ang paggamit ng cellphone ay ipinagbabawal kahit nakahinto ang sasakyan sa isang interseksyon
Pinapayagan ba ang pumarada sa isang bus or jeepney stop?
Sagot: Hindi
Ano ang dapat na bilis ng sasakyan kung ito ay dadaan sa palengke, lugar paaralan o mataong kalsada?
Sagot: Pinakamabilis ng 20 kph
Ano ang dapat gawin ng isang drayber kung ang isa pang sasakyan ay gustong mag overtake?
Sagot: Ipagpatuloy ang naturang bilis
Maaari bang tumawid sa isang kalsada na mayroong isang solidong linya?
Sagot: Oo, pero kailangan maingat
Ano ang pagsusuri na ginagawa upang malaman kung positibo sa alak ang isang drayber?
Sagot: Pag tsek sa mata, pag lakad at pagtayo sa isang paa
Ano ang maaaring mangyari kung ipagwalang bahala ng drayber ang senyas trapiko?
Sagot: Aksidente o road crash
Ang iyong lisensya ay nag-expired na. Pinapahintulutan ka pa bang magmaneho sa pinakamalapit na LTO upang i-renew ang iyong lisensya?
Sagot: Hindi
Ano ang ibig sabihin ng patay sinding kulay dilaw na ilaw trapiko?
Sagot: Magpatuloy nang maingat
Sino ang mananalo kung ang bawat partido ay hindi malampasan ang stress o tensyon?
Sagot: Wala sa agresibo o sa biktima