Kailan dapat gamitin ng drayber ang kanyang helmet?
Sagot: Para sa mahaba o maigsing biyahe at anumang uri ng kalsada.
Kailan dapat gamitin ng drayber ang kanyang helmet?
Sagot: Para sa mahaba o maigsing biyahe at anumang uri ng kalsada.
Kailan ginagamit ang Alcohol Breath Analyzer (ABA)?
Sagot: Kung ang drayber ay bumagsak ng isa sa mga field sobriety test
Ang mga lugar na ito ay hindi maaaring mag-parada ang mga sasakyan?
Sagot: Intersekyon, tawiran
Saan mo kailangang huminto kung pula ang ilaw ng trapiko?
Sagot: bago sa itinalagang stop line
Ang isang kompartamento na nakakabit sa gilid ng motorsiklo na hindi tataas sa upuan ng motorsiklo na itinuturing na accesory nito:
Sagot: Saddle Bags/Box
Maaari bang gamitin ang duplicate o kopya ng lisenya sa pagmamaneho?
Sagot: Hindi
Maaari bang tumawid ang isang sasakyan sa kalsadang mayroong dalawang solidong linya?
Sagot: Hindi
Ilang oras maaaring gamitin ang Temporary Operator’s Permit (TOP) sa pagmamaneho?
Sagot: 72 oras
Sino ang may unang karapatan kung magkasabay na dumating sa interseksyon ang dalawang sasakyan na nagmula sa magkasalungat na direksyon?
Sagot: ang sasakyan sa kanan
Ano ang dapat mong gawin paparating sa isang kumikislap na pulang ilaw trapiko?
Sagot: huminto bago ang stop line at magpatuloy kung ligtas
Maaari ka bang magparada sa bangketa?
Sagot: Hindi
Ilang taon ang maaaring ibigay na lisenysa sa isang drayber na mayroong traffic violation?
Sagot: 5 taon
Kapag nais mong magpalit o lumipat sa mas mataas na gear upang mas bumilis, at ang isang sasakyan sa kasalungat na direksyon ay mabilis na tumatawid sa iyong linya, ano ang iyong gagawin mo?
Sagot: maging alerto, huminto at magbigay daan sa pagtawid ng mga sasakyan
Maaari bang tumawid sa isang kalsada na mayroong isang solidong linya?
Sagot: Oo, pero kailangan magingat
Ilang taon ang maaaring ibigay na lisenysa sa isang drayber na walang traffic violation?
Sagot: 10 taon na lisensya
Saan ka hindi maaaring gumamit ng busina?
Sagot: Sa harap ng ospital o klinika
Ilang metro ang layo na maaaring pumarada ang isang sasakyan sa fire hydrant?
Sagot: Lagpas apat na metro mula sa fire hydrant
Ang 30-araw na suspensyon ng lisensya sa pagmamaneho ay ipapataw kung:
Sagot: kung nabigo ang drayber na bayaran ang kaukulang multa sa loob ng 15 araw
Saan dapat ilagay ang plaka ng isang sasakyan?
Sagot: isa sa harap at isa sa likod ng sasakyan
Saan napupunta ang mga siningil na pera mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC)?
Sagot: Ang nakolenta na pera ay ginagamit sa pagsasaayos ng kalsada