Ano ang mga pagsusuri na ginagawa upang malaman kung positibo sa alak ang isang drayber?
Sagot: Pag tsek sa mata, pag lakad at pagtayo sa isang paa
Ano ang mga pagsusuri na ginagawa upang malaman kung positibo sa alak ang isang drayber?
Sagot: Pag tsek sa mata, pag lakad at pagtayo sa isang paa
Sa isang rotunda na maraming lane, saan ka maaring manatili kung liliko pakanan sa susunod na interseksyon?
Sagot: Sa pinaka-kanan na lane
Ikaw ay nagmamaneho sa municipal road na may bilis na 80kph, nang biglang may isang bata na tumawid sa kalsada, Ano ang dapat mong gawin?
Sagot: Tapakan ang brake
Kailan mo maaaring ipahiram ang iyong lisensya sa pagmamaneho?
Sagot: Kailanman ay hindi pinapahintulotan
Paano mo malalampasan ang stress o tensyon?
Sagot: Huminga ng malalim, maupo ng maayos, makinig sa mga nakakaaliw na tugtog, pagbigay nang tamang distansiya sa harap at pagbigay ng karagdagang oras sa biyahe
Anong kulay ng ilaw ang maaaring idagdag sa harap ng sasakyan?
Sagot: Puti o Dilawang Puti
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mag resulta sa away kalsada?
Sagot: Pag-cut sa ibang motorista at pagtutok sa mga ito
Ano ang dapat gawin ng isang law enforcer kung makumpiska ang isang motorsiklo?
Sagot: Dalhil ang motorsiklo sa pinakamalapit na impounding area
Alin sa mga sumusunod ang madalas na dahilan ng stress o tensyon?
Sagot: personal at problema sa pamilya, mabagal na daloy ng trapiko, hindi maayos na kalsada, mga nakakainis na bumubuntot na motorista, biglaang paghinto ng sasakyan sa harapan
Ano ang tamang edad upang magkaroon ng lisensya?
Sagot: 17 na taon
Kung huminto ka sa interseksiyon, anong kulay ng ilaw trapiko maaari kang gumamit ng telepono?
Sagot: Wala, ang paggamit ng cellphone ay ipinagbabawal kahit nakahinto ang sasakyan sa isang interseksyon
Saan mo maaaring iparada ang iyong sasakyan?
Sagot: Sa itinakdang lugar ng paradahan
Ano ang dapat ilagay ng isang drayber sa dulo ng kargamento na sumobra ng isang metro ang haba sa kanyang sasakyan?
Sagot: Red flag measuring at least 30cms x 30cms
Ano ang dapat mong gawin kung makikita ang karatulang ito?
Sagot: Magmabagal at maging handa
Ano ang kailangan mong gawin bago tumawid sa isang pangunahing highway?
Sagot: Huminto, tumingin at magpatuloy kung ligtas
Ano ang dapat gawin kung pinahihinto ng pulis?
Sagot: Huminto at ibigay ang lisensya at ibang papeles ng sasakyan kung hinihingi
Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugis?
Sagot: Nagbibigay impormasyon/kaalaman
Ang lisensyang Non-Professional ay para lamang sa:
Sagot: Mga pribadong sasakyan
Kung ang drayber ng sasakyang nasa iyong unahan ay naglabas ng kaniyang kaliwang kamay at itinuro ito sa lupa, siya ay:
Sagot: Hihinto
Sa isang sangandaan/interseksyon na walang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating sa magkabilang kalye, aling sasakyan ang dapat magbigay?
Sagot: Ang huling dumating