LTO Change of Ownership & Renewal of Motorcycle Registration

Share ko lng guyz!

Change of Ownership & Renewal of Motorcycle Registration!

Note: (Mother file ko is NCR east avenue)

June 24, 2020

Request of confirmation LTO Antipolo
image

Requirements

  • Certificate of Registration (CR Original)

  • Official Receipt from LTO (OR Original)

  • Deed of Sale (DOS Notarized)

  • Photocopy of two valid id’s ng first owner with 3 signature

  • Photocopy of two valid id’s ng nakabili with 3 signature

  • Insurance (Naka name n sayo)

  • Stencil

Note: (after mo mbigay lahat ng requirements magaantay ka sa txt or tawag ng LTO kung pwede ng kunin ang CTC mo.

June 29, 2020

-11am Nagtxt ang LTO antipolo n pwede ng kunin Confirmation.

Hindi ko nakuha that day kase nsa office ako.

June 30, 2020

-Pumunta na ako ng LTO Antipolo para Kuhain ang Confirmation at inaddvice ako na mag pa emission muna bago pumunta ng HPG para sa clearance. Nag ikot ako sa lahat ng emission sa antipolo at ang sabi schedule daw ang emission nag pa sched nalng ako at pinababalik ako ng July 2,2020 9:30 am.

July 2, 2020

-Pumunta na ako sa st. Michael Emission Center 9 am at natapos ako ng 12:35 nn.

July 3, 2020

-Pumunta na ako ng HPG hilltop para kumuha ng clearance 6:30am pumila.

Requirements

  • Confirmation released by antipolo

  • Certificate of Registration (CR Original)

  • Official Receipt from LTO (OR Original)

  • Deed of Sale (DOS Notarized)

  • Photocopy of two valid id’s ng first owner with 3 signature

  • Photocopy of two valid id’s ng nakabili with 3 signature

9:10am binigyan ako ng resibo na babayaran sa landbank.

9:44 am nakadating ako ng landbank taytay wala nmn pila kaya natapos ako 10:20am.

-bago bumalik ng HPG pina photocopy ko muna ng tatlong piraso ang resibo ng binayaran ko sa landbank at isang copy din ng lahat ng requirements.

10:45am nakabalik nako sa HPG at waiting ulit ako sa stencil ng motor ko. At namigay ng number png 6 ako.

11:35am natapos ako stencil crime laboratory at bumalik ako ng window kung saan binigay ko ung isang copy ng photocopied receipt at requirements. At ang sabi balik daw ako ng july 6, 2020 para sa release ng clearance.

July 6, 2020

-Pumunta ako ng HPG para kunin na ang clearance dumating ako 9am na at wala nmn masydong pila kya nakuha ko din kaagad, tapos dumeretsyo n ako ng LTO antipolo para sa new CR at renewal na, dumating ako 10am at bago mag 12am natapos ndin ako magpachange owner at renew ng registration ko.

Total na nagastos ko!

-Notarized Dos P300
-Insurance P400
-Emission P350
-HPG Clearance P300
-Stencil P20
-LTO new Cr & Renewal of Registration P595
Total P1,965

Kaya wag na kayong magpafixer tatagain lng kyo ng 6k to 8k nyan.

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/315106302849589/