LTO Change Ownership Process

Share ko lang sa inyo ang process ng change ownership dito sa cavite.

Based on my own experience

Para makatulong sa mga kapwa ko riders na nagbabalak magpachange ownership.

Details.

Mother file: Region IV-A New Registration S

NOTE: IF SA REGION IV-A LANG DIN ANG MOTHERFILE MO HINDI MO NA KAILANGAN PUMUNTA SA SA MISMONG MOTHERFILE MO KUNG SAANG LTO KA MALAPIT PWEDE NA

image

STEP 1. HPG Clearance

Abot mga papeles
deed of sale ( handwritten lahat ng mga details sakin sabi ng iba bawal daw at narinig ko dn sa lto kawit sa nagtatransact doon bawal pero pagdating oo ng lto imus tinanggap naman siguro pag sulat sulat lahat pero pag may nakacomputerized or typewritten bawal na ihandwritten yung iba)
Or cr orig dapat
2 valid id ng 1st owner 3 signatures photocopy
Id mo na rin mag abot ka 3 signatures dn photocopy.
Bibigyan ka receipt babayaran mo sa landbank 300 php
Magbaon ka ng pasensya kasi mahaba pila swerte na kung matapos ka ng 3 oras sa landbank imus nga pala yan
Tapos mo bayaran balik hpg imus picture taking at stencil 100 php bayad maglabas ka na para unahin ka pag hindi ka naglabas kulelat ka baka mapagpabukas ka pa.

Next releasing na ng claim stub.

From 8 am to 5 pm isang buong araw din . Magsorry na lang kay boss kung absent ka o di nakabalik ng trabaho

STEP 2. ANTAY KA 1 WEEK releasing ng hpg mo

Kahapon release ng akin 2pm wag magexpect na makukuha mo agad pagdating mo ng 2 pm kasi 4pm ko pa nakuha yung akin. Nagpaliwanag yung clerk samin na kaya daw hindi muna nila ginagawa eh kasi marami daw hindi pumupunta ng sched nila at nasasayang daw ung clearance kasi nga 7 days lang ang validity nun.

STEP 3: NEXT DAY (Ngayong araw) Dahil kumpleto na requirements ko handa na ko makipagsapalaran kasi akala ko nga hindi tatanggapin ung deed of sale ko na handwritten.

Punta ako lto kawit may nadaanan ako insurance 600 php oo mahal pero pinatulan ko na ksi walang pila at di pde sa cebuana dahil wala pa plate number na nakalagay sa or cr ko pero pag meron n cebuana ka nlng 300 php lang.

Pila lng ako doon saglit lng wala pa 30 mins tinawag agad ako pero sabi sakin bawal daw ako sa kawit kasi taga imus daw ako at may lto imus akala ko kasi kung saan huling nirehistro doon pupunta. Pero ok nnmn daw requirements ko at tiningnan deed of sale ko ok dn dw kasi handwritten naman daw lahat.

So yun punta lto imus dumating ako doon mga 1030 na diretso na ako kay inspector yun ok walang problema 15 mins lang time check 1045

Tapos doon na ako sa customer representative daw. Abot papel upo tawag ulit binigyan ng number tapos upo antay tawag ulit para magbayad 230 pesos tapos upo ulit at antay tapos finally nung tinawag binigay na si OR CR. 😊💙💜✌🖤

TIME check 11:30 palang sasaglit lang.

Napawi lahat ng hirap ko. Worth it lahat hehe.

Kaya ung magpapachange ownership wag na magfixer na 5k ang hinihingi 😅😂

Eto breakdown ng mga ginastos ko

300 pesos hpg
100 pesos stencil
600 insurance/stencil
230 change ownership
1130 pesos lang lahat at pedeng maging 830 pesos lang pag nakamura ka sa insurance mo.

Sana makatulong sa inyo mga papi goodluck Tyaga lang ang puhunan.

RS sa lahat.

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/301357284224491/

1 Like