LTO License Application ₱1,915 Lang Nagastos Student to Non-Pro

The WAIT IS OVER For only 1,915 may License na from student permit to Non-pro. Sobrang tipid kumpara sa 5-6k na gastos. (Hindi po ako Fixer, sharing is caring lang po para sa nagastos ko po sa pagkuha) NO TO FIXER!!!

SORRY PO WAG NYO NA PO AKO I-PM HINDI PO AKO NAGBIBIGAY NG PERSONAL ASSISTANCE, 1000+ na message request ko. I’m here only to give you insight about sa ginawa ko make sure first na makasecure kayo ng Free TDC and PDC slots para less 2k lang magastos n’yo po. swertihan lang ang pagkuha ng slots.

Sa mga nagsasabing Fake… Godbless po :slightly_smiling_face:

NEW SYSTEM DRIVER LICENSE - LTO MAIN

(Nasa likod if Pro or NP)
Total gastos
STUDENT PERMIT : 750 PhP
TDC: FREE
Medical: 500
Student Permit : 250
NON-PRO: 1,165 PhP
PDC: FREE
(Renting motorcycle: 330)
Medical: 0 (nagamit pa ang una)
Processing Fee: 100
Practice Driving: 150
Driver License: 585

Salamat sa LTO Quezon City Licensing Center Dahil sa kanilang programang Free TDC at PDC sobrang laki ang natipid ko, nakuha ko ang TDC Slot ko through link sa FB page noong February and March ang PDC pero nacancel ng dalawang buwan ang aming PDC appointment dahil sa pagdeclare ng ECQ sa NCR + Bubble, but still finally it’s over. Daming perks once LTO ang nagfacilitate ng TDC at PDC, dahil LTO personnel ang magcoconduct ng Lessons at magbibigay ng maraming tips, at no other fees like manual and certificate fee as in FREE talaga, at mas lalo sa FREE PDC dahil sila mismo mageencourage sa iyo na matuto, hindi lang ang nakasanayan mong motor ang papagamit sa iyo, pero katulad ng batch namin na lahat ay natutong magMANUAL, Kudos sa Team ni Sr. Tom na tinuruan kami ng sobra at sulit ang 330 na bayad para sa renta ng motor dahil limang motor ang nagamit ko at nasulit sobra 😅 compare sa mga private schools na babayaran mo ng renta kada motor na gagamitin, kaya sobrang sulit…

And sa LTO - Quezon City License Renewal Section sobrang thanks sa mabilis na proseso at sa pagguide sa amin while pinaprocess ang liscense.

Sa exam naman madali lang sya once sa portal ka nagreview, dahil lahat ng tanong nasa portal mismo. (ang passing score ay 48) sulit naman at nakapasa.

Maraming Salamat sa privilege na magkaroon ng Driver License

Read more license guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/536563114037239/

image

1 Like