“Driving in The Philippines is NOT A RIGHT but a PRIVILEGE. This privilege is granted by the Philippine Government through the Land Transportation Office based on the Republic Act No: 4136 and Batas Pambansa No: 298.”
Good Day po!
Share ko lang ang NEW SYSTEM LICENSE ng LTO ngayon
How to verify new and old system license?
New-Through website LTO Portal or LTMS
Old- Through text 2600
sa LTO Quezon City Main Branch kasi ako kumuha ng license kaya New system na sila dun. LTO Quezon City Licensing Center
Marami paring nalilito sa new at old at yung iba naman e di alam na bago na ang drivers license, sa mga bago na tulad ko wala ng Non-Professional or Professional sa harap ng lisensya at letter na ang restriction code at hindi na number. Makikita rin sa likod ng lisensya kung manual o automatic ang kinuha mong lisensya.
kaya sa mga new system na katulad ko, kapag na checkpoint po kayo i ready nyo po mga cellphone nyo at ipakita nyo po yung website mismo ng LTO at maglogin po kayo dun gamit yung LTMS account na pinangkuha nyo ng lisensya. doon makikita ang name nyo, transaction, at registered license nyo.
At sa mga MMDA or traffic enforcer natin e sana bago nyo sabihan na fake ang license eh ipacheck nyo muna kung meron talaga silang LTMS account sa LTO portal dahil dun makikita kung talagang registered sila o hindi. Di rin kasi malinaw sa kanila na may bagong system na si LTO at puro sa 2600 parin sila nag che-check, i check din nila sa LTO portal kapag new.
At ikaw na bilang responsableng driver, kung ikaw ang naglakad mismo ng lisensya mo at hindi ka nagpafixer mapa old or new pa man yan e dapat hindi ka kabahan dahil isa ka sa mga legit at sumusuporta sa salitang “NO TO FIXER”
Yun lang po maraming salamat. Ride safe satin lahat and GODBless
“Having a license is a privilege extended to those who can prove they can drive without endangering the public. Therefore, the government requires people to pass the LTO driving test which restricts those who get driver’s licenses.”
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/539272580432959/