LTO Non Pro to Pro Driver's License Applications

CONVERSION OF NON PRO TO PRO.

(Basahing mabuti para iwas fixer.)

Requirements;

  • Police clearance/ NBI.
  • Medical.
  • Non Pro license(mas maganda kung di expired para di mag driving test. (Restriction Code ko 1 & 2)

Cost;

  • Police clearance Php.150
  • Medical (depende sa singil ng clinic)Php.400
  • Payment for exam Php.168
  • Payment for License Card Php.393

Tips;

  • Gumising ng 1:30AM at pumunta ng maaga sa LTO San Juan.
    Bali pang 5 po ako sa pila natapos ako 9AM ng umaga kanina lang. May Pro license na ko. pwede na mag apply kay grabfood, FP, at lalamove. “Hanggang 150 applicant lang po sa San Juan kaya ganun ako kaaga.”

  • Sa exam wag kabahan kung ano nireview yun din lalabas at common sense na lang po minsan, intindihing mabuti ang tanong bago sumagot.

  • Kung binigyan kayo ng temporary license o papel lang, pumunta agad sa ibang LTO BRANCH para maprint agad yung card niyo ganyan ginawa ng tropa ko kahapon nung wala binigay na card si LTO San juan nag punta siya sa LTO Marikina.

  • PANGHULI WAG NA WAG NA WAG NA WAG MAG PAPAFIXER KAYO RIN NAMAN ANG MAG EEXAM AT PIPILA PARA ASIKASUHIN YUNG LISENSYA MO. WAG MANINIWALA NA MARAMING BUMABAGSAK SA EXAM KESYO PAHIRAPAN NA DAW. KESYO HINAHABOL NA YUNG AUGUST 3, 2020. GAGAWA AT GAGAWA NG PARAAN ANG MGA FIXER PARA MAG PATULONG KAYO SA KANILA MASASABI KO WAG!

“Para po ito sa mga hindi expired ang lisensya na NON PRO.”

Dagdag ko lang:

Kung sa Reviewer hanap niyo doon na ko mismo nag review bago ako mag exam kaya pasenya wala akong maibibigay na reviewer

Read more license guide

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/ltoexamreviewer/permalink/761122204429149/

2 Likes