LTO Non-professional Driver's License Application Guide

Hi po! Gusto ko lang ishare yung naging journey ko sa pagkuha ko ng NON-PRO ko under the NEW PROCESS.

If kagaya kita na first time kumuha ng lisensya under the new process, then my post is for you.

STEP 1: THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC)

  • 15 hours na seminar ito na hinati sa tatlong araw (5hrs/day)

  • after ng 15hrs na seminar may exam kayo. Depende sa pinagenrollan nyo yung # of items ng exam. In my case, 180 items sya tas dinivide lang into 50, 100, at 30 and was given on different days.

  • Pag napasa nyo yung exam, pwede na kayo magpabiometrics para makuha nyo na yung TDC certificate nyo.

  • You can enroll po sa kahit saang LTO ACCREDITED DRIVING SCHOOL sa buong Pilipinas. Pwede din sa LTO Educ Center nila libre lang pero very limited ang slots. Kung mapasensya kayo at gusto nyo talaga makatipid then eto ang pra sa inyo. Pero para sa iba naman na keri naman ng budget, mag driving school nalang kayo.

  • Yung fee for TDC ranges from 1k-2500 depende sa mapagenrollan nyo. Sakin nsa 1800 yung TDC fee na binayaran ko.

STEP 2: STUDENT PERMIT

  • Pag may TDC cert ka na pwede ka na pumunta sa LTO.

  • Eto ang mga kelangan mo para makakuha ng SP:

    1. Application form - bibigay sayo to pag dating mo don.
    2. Birth cert - both original and photocopy. Not sure if strict sila na PSA na dapat pero para sure PSA na dalhin mo.
    3. Valid ID - any govt issued valid ID, both original and photocopy din.
    4. TDC cert
    5. Medical cert - magpamedical ka sa LTO Accredited na clinic, may ituturo naman sila sayo. Yung price ranges from 400-550 depende sa clinic. Ang binayaran ko 400 pesos lang. Tapos valid yung med cert mo for 2mos kaya 2 copies ang bibigay nila sayo para yung isa magagamit mo pag kumuha ka na ng nonpro. Pag isang copy lang pwede ka humingi ng isa pa or pa photocopy mo nalang.
  • Mabilis lang ang pagproseso neto, max na yung 30mins. Basta sundin mo lang kung san ka next window na pinapapunta.

  • 250 pesos lang binayaran ko for SP kasi computerized na sa LTO Makati.

  • Pag may SP ka na, wait ka lang ng minimum 1 month bago ka makapagapply ng non pro. So while waiting pwede ka na kumuha ng PDC.

STEP 3: PRACTICAL DRIVING COURSE (PDC)

  • Eto yung pinakamahal sa lahat pero pinakamasaya. So mageenroll ka ulit sa driving school for PDC naman. Yes, under new process need na talaga mag driving school pra mkakuha ng PDC cert.

  • Depende sa kukunin mong lesson, driving school, at # of hours yung presyo. Mas mura ang MT kesa AT. Pero sa case ko nag refresher course ako ng AT for 10hrs. 9k binayaran ko. Again, mas mahal ang AT kesa MT.

  • Yung 10hrs ko hinati yun into 7 days kasi may days na 1 hr lang at meron namang 2 hrs.

  • pag nacomplete mo na yung 10hrs or kung ilang oras man balak mo kunin, mag aassessment ka na.

  • Iba din pala bayad sa assessment. Not sure kung sa ibang driving school may bayad ang assessment nila. In my case 800 pesos yung assessment fee.

  • Pag pumasa ka, pwede ka na magpabiometrics at makukuha mo na din cert mo. And pag may PDC cert ka na pwede ka na kumuha ng non-pro.

STEP 4: NON-PROFESSIONAL LICENSE

  • Kukuha dapat ako ng lisensya sa LTO San Juan but since computerized na ang SP ko, pinapunta nila ako sa LTO Main which is sa East Avenue buti maaga ako at di masyado traffic

  • Requirements:

    1. Application form
    2. PDC Certificate
    3. Student Permit na atleast 1month old with receipt
    4. Med cert
    5. Valid ID (photocopy)
  • Hindi naman nakakalito yung proseso sa loob basta be mindful lang kung san ka next na window pinapapunta. Be alert kapag tinawag name mo at wag kang sabaw.

  • Computerized ang exam kaya I HIGHLY SUGGEST na magreview kayo sa LTMS Portal kasi kung ano yung tanong sa portal, yun din ang lumalabas sa exam.

  • Madali lang din ang practical. Isang ikot lang tapos parking. Sasabihin naman ng assessor mo kung ano yung mga keypoints pra di ka bumagsak.

  • Eto pala breakdown of fees na binayaran ko:

    • Application fee: 100
    • Car rental: 250
    • License fee: 585
    • Total: 935

  • Kung sa East Ave kayo kukuha lisensya, gawa na kayo ng portal pra di na kayo dun palang gagawa ng account.

  • Then kung tulad ko din kayo na computerized na ang SP, di na kayo magbabiometrics, kung ano yung biometrics nyo sa SP nyo yun na din iaapply sa Non-Pro nyo.

  • Mabilis lang din proseso. Dumating ako dun ng 7:30am at natapos ako ng 10:30am kaya agahan nyo pra maaga din kayo matapos kasi mga bandang 10am andami ng tao.

Finally at pinakaimportante, WAG KAYONG MAGFIXER UTANG NA LOOB kasi madali lang naman talaga sya, need mo lang talaga maglabas ng pera and mageffort lalo for the PDC pero para sayo din yon at wag ka na dumadag sa mga kamoteng driver na di marunong sumunod sa traffic rules. Mas masaya makuha ang lisensya sa tamang paraan, sure ka pa na legit lisensya mo.

“A driver’s license is a PRIVILEGE, NOT a RIGHT.”

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/ltoexamreviewer/

Gaano po katagal ma release ang driver’s license kung nakapasa po?

Depende po sa availability ng card. Kung meron na, release agad.