Sharing my experience sa pagkuha ng driver’s license (from student permit to NP).
NO TO FIXER!
Hindi ko na ishare driver’s license ko para walang magtatalo kung fake or not kasi new format sya . Dumaan din po ako sa tamang process ng LTO kaya nilagay ko na rin sa baba yung step by step na ginawa ko. Correct me if may na kaligtaan na lang.
Thanks sa group na ito and sa LTO Quezon City Licensing Center for assistance sa nga queries.
Student permit
Requirements:
- 15hrs TDC
- Medical Exam
- Birth Cert (Photocopy, pero bring the original for verification)
- ID (Photocopy, pero bring the original for verification)
- Accomplished Application for Driver’s License
- TDC: 1600 (depende sa driving school) nagcanvass ako sa ibat ibang driving school saan pinaka mura at malapit sa amin. 3 months akong nag hintay sa free TDC ng LTO East Ave pero sad to say, hindi ako nakakuha ng slot so nag driving school na ako.
- Medical exam: 480, malapit mismo sa LTO North Ave branch. Nag ask na ako kung ilan ang ibibigay nilang copy bago ako nagpa medical. Valid for 2 months na kaya mas ok kung 2 copy kasi hindi na magpapamedical ulit if valid pa.
- Accomplished ADL: merong form sa mga LTO nyan, fill-out lang then submit sa kanila with requirements, tatawagin na lang for picture taking and payment.
- Student permit fee: 318, after payment tatawagin na lang for release.
Other expenses (transpo, photocopy, food, etc): 300
Total SDP: 2698
Non-Pro Driver’s License (8AM schedule ko sa LTO East Ave, natapos by 11AM, nag Earthquake drill kasi
Nagpa schedule muna ako sa Lto Quezon City Licensing Center page for LTO East Ave branch.
Requirements:
- Application form
- Medical cert
- Student permit (Original)
- 8 hrs PDC (Photocopy, depende sa kukunin nyo)
- ID (Photocopy)
- Medical: 0 kasi valid pa yung sakin. (2 months validity)
- Submit all docs, including pdc cert, 3500 for manual sedan (depende ulit sa driving school at kung manual or automatic).
- Exam: 100, be sure na nakarehistro na sa LTO Portal (portal.lto.gov.ph) para mabilis na sa pre-evaluation window for verification. Then picture taking, biometrics, signature and online exam na. (Review lang kayo sa LTO portal. Hindi ako tumigil sa pag rereview hanggang 1 or 2 mistakes na lang score ko.)
- Actual test drive: 500, 2 cars for Sedan( and Innova(B1). Csr rental sa loob, 150 motorcycle, 250 4 wheels car. Sad to say, bumagsak ako sa Innova kasi paalis pa lang ng parking, sumabit yung likod na gulong ko sa curb (1st time ko gumamit ng innova). I suggest na dalhin yung sarili nyong car kasi nakakapanibago lalo na kapag manual. Kailangan lang daw may cover (same sa mga taxi and grab) yung driver and LTO examiner. Pwede mag retake after 7 days, start from step 1 except PDC and medical ( if valid pa)
- License fee: 585, balik sa loob after mag test drive. mag ready lang kayo exact amount, medyo masungit yung cashier kasi 1k ang binigay ko. Wala daw silang barya hahaha.
- Wait lang ulit tawagin for releasing.
Other expenses: 200 (transpo, food)
Total Non-pro: 4885
Total expenses: 7583
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/542304793463071/