LTO Registration Renewal and Transfer Ownership

Share ko lang experience sa Transfer of ownership with renewal.

Dapat hawak nyo na ang;

  1. Orig. Current OR at orig CR.
  2. Orig. Deed of Sale
  3. Xerox copy ng 2 valid i.d ng vendor
  4. Xerox copy ng 2 valid i.d mo.
    image

sa Cabuyao kc ako, June 15 nagpaschedule ako sa emission, at June 19 ang nakuha ko na sched dun banda sa Lto compound Calamba.

June 17, pmunta ako sa HPG Canlubang nag file ng HPG clearance, kinabukasan ang release June 18.

June 19, 4:30am pumila ako sa emission testing, pang 13 ako, alas 9 na ako natapos, diritso ako sa LTO Lipa District office(Tanco drive branch) dun kc ang mother file ko pra kuha mo agad ang confirmation of registration.

Dumating ako sa Lipa 11am, (malakas kc ulan kaya takbong pogi lang) salang agad motor ko sa Stencil at MV inspection.12NN close sila kc disinfection time. 1pm nagresume, pinasa ko sa recieving, then punta ako Record Section pra sa confirmation,(5minutes lang naprint agad)

Lipat sa MV evaluator and inspector, kaso napansin niya na malabo ang selyo ng Deed of Sale, kaya pinapunta pa ako sa abogado na pumirma pra iReSeal(make sure nyo na bakat na bakat ang selyo ng deed of sale nyo na original)kaya taripas ako sa munisipyo ng sto.Tomas, Batangas, buti nahanap ko agad at naiReSeal, balik ako sa LTO Lipa, at dumating ako dun 3pm na, inabot ko agad sa evaluator at Thanks God ok na, after 30 minutes Casher na pra magbayad, inabot na yun OR ko,(masaklap lang mali ang address sa ORπŸ˜…) binalik ko sa evaluator at advice niya skin na sa next renewal na lang aayusin kasabay ng revision of records, so it means panibagong bayad na naman… πŸ˜…

Pinapunta na ako sa Releasing at nakuha ko na ang Orig OR/CR na sa pangalan ko na kaso mali ang address. πŸ˜…

Gastos.

Deed of sale and notaryo P350
HPG Clearance P300
Emission testing P350
Insurance of cover P750(1year validity)
Byahe ko sa gas(cabuyao to Lipa vise versa)P100
LTO Transfer and renewal P743 (di paso)

Mc Do 200(breakfast and lunch)πŸ˜…

Salamat sa mga nagcomment sa tanong ko kahapon. 😘

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/303645927328960/

1 Like