LTO Rehistro at Change Ownership ng Motor

CHANGE OF OWNERSHIP

DONE! (07.16.20) MOTOR

SHARE KO LANG PO MGA STEPS AYON SA EXPERIENCE
image

ITO YUNG PAGKAKASUNOD-SUNOD

1️⃣. LTO - PROCESS CTC ( CERTIFIED TRUE COPY ) PAG NCR ANG MOTHER FILE MO / ( CONFIRMATION ) KAPAG PROVINCE

MOTHER FILE MO

↘

2️⃣HPG ( HIGHWAY PATROL GROUP ) CLEARANCE

↘

3⃣.BACK TO LTO - FOR CHANGE OWNERSHIP + REHISTRO ( KUNG ISASABAY MO )

STEPS 👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇

💡MGA LISTAHAN NG REQUIREMENTS

▪ORIG CR
▪ORIG OR
▪CTC OR CONFIRMATION
▪ORIG DEED OF SALES (NOTARIZED)

▪2 valid ID’S of first owner bago ka na may 3 signatures
▪2 valid ID’S of you new owner na may 3 signatures
▪Stencil from LTO
▪Emission Test (kung paparehistro kanadin)- kahit sa old owner name thats fine
▪HPG CLEARANCE
▪INSURANCE ( sayo naka name )

PAAANO KUNIN⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇

1

UNAHIN MO TO DAHIL MEDYO MATAGAL TO

❓ PAANO at SAAN KUKUHA ❓

STEP 1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣1⃣STEP

‼Kaibahan ng CTC sa CONFIRMATION‼

✅ Ang CTC (Certified True Copy) ay kailangan mo at ang iyong kukunin kung ang motherfile mo ay sa loob ng NCR at hindi mo ito kailangan kung provincial ang motherfile mo

VS

✅ Ang CONFIRMATION ay kailangan mo at ang iyong kukunin kung ang mother file mo ay provincial ( hindi mo ito kailangan kung NCR ang mother file mo )

💡Ang ibig sabihin ng MOTHERFILE ay kung saan original nakaregistro MC mo na makikita sa CR

FOR CTC

-punta ka sa LTO kung saan nakarehistro mc mo

FOR CONFIRMATION

-punta ka sa pinakamalapit na LTO office sayo

⚠NOTE: HINDI KA DAPAT TANGIHAN KASE LAHAT NG LTO MAY RECORD SA FILES

MAY MGA CASES KASE GAYA KO NA SINABIHAN NUNG UNA NA WALA SILANG RECORD PUMALAG LANG AKO AT SABI KO HINDI PWEDENG WALA KASE LAHAT DAPAT MERON UNLESS AYAW NILA MAGTRABAHO AT AYON PINAPASOK AKO

-punta ka sa Record Office

-sabihin mo kukuha ka Certified true copy or Confirmation

-Submit requirements

▪Orig or
▪Orig Cr
▪Deed of sale ( Notarized )
▪2 valid id ni old owner with 3 signature
▪2 valid id mo new owner with 3 signature

-pagtapos mo magsubmit bibigyan ka ng form ng stencil tapos papapuntahin ka sa window na may magaassist sayo at gagawa ng stencil sa motor mo .

💡Stencil po kukunin yung ENGINE NUMBER AT CHASSIS NUMBER ng mc mo

Libre lang po ito

-pagtapos non babalik ka sa Record office

  • wait ka ng call or text nila kung may confimation na or ctc kana

or kuhain mo number nila ikaw mag follow up

(saken 3days yung confirmation)

-babalik sayo mga orig papers mo magkakasama

-Bibigyan ka ng Confirmation form katunayan na ngprocess ka

-Then makukuha mo confirmation pag meron na update

⚠ Di mo pa need insurance dito ⚠

then pwede mong i wait ang result bago ka magproceed sa next step

or habang nagwawait ka pwede rin

STEP 2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣2⃣ STEP

-Kuha ka ng insurance make sure nakapangalan na sayo

-CEBUANNA pwede kapag may plate no. kana

-Kapag wala kapa plate number Marami dyan nakukuhaan insurrance

meron din sa tabi ng HPG mismo

INSURANCE REQUIREMENTS

▪Xerox or + Cr
▪xerox deed of sale
▪xerox valid id ni previous owner with signature minsan hinahanap
▪Xerox valid id mo para dun nila ibase yung insurance

-Make sure nakapangalan sayo ito

-After makakuha ng insurance Mag pa schedule ka ng emission test

Emission test requirements

▪Xerox or+cr

-naka pangalan talaga sa previous owner to its ok

-Pag may schedule kana

-pwede kana mag step 3 Basta pasok sya sa loob ng 7working days

after mo mag HPG

💡Saken ginawa ko habang nakapila ako sa HPG naglista nadin ako sa listahan doon sa katabing emission testing center ng HPG

kase pag nakalista ka at pasok sa 10person cutoff , kinabukasan ng 6am pwede kana agad magpa test basta make sure na yung nilistahan mo galing sa testing center . Saaken kase naglista ako so expected kona may sched na ko kinabukasan pero iba pala yung nilistahan ko hindi galing sakanila , kaya di ako nasama buti at maaga ako at wala yung ibang nakalista

kaya nakakuha padin ako💡

Pansin ko lang PRINAPRIORITIZE NILA KUMUKUHA NG INSURANCE SAKANILA Ask nyo din baka unahin kayo pag sakanila nagpainsurance

‼PWEDENG i HULI ANG EMISSION TEST AT INSURANCE DAHIL HINDI NAMAN ITO KAILANGAN SA HPG CLEARANCE PERO KAYA NILA TAYO INUUBLIGA DAHIL 7 DAYS LANG ANG HPG CLEARANCE

AT KAPAG NAUNA ANG CLEARANCE SA MGA ITO MAAARING MA EXPIRE NA ANG HPG MO AT DI KAPA TAPOS SA EMISSION OR INSURANCE UULIT KA LANG SA BAYAD AT PAGOD SAYANG LANG ‼

➕Ang Emission test at Insurance ay para sa rehistro ng motor+

STEP 3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣3⃣STEP

HPG CLEARANCE 20th avenue cubao (google map nyo nalang po )

isuggest dito kase maayos at maasikaso

pwede din sa iba pero pagkakarinig ko maarte sa requirements

  • Punta ka as early as 3am kase may cutoff 40-50 persons

-first come first serve-pila na then 6am magstart sila magbigay number

-submit requirements for verification

All Xerox only

▪Or + Cr
▪Deed of sale
▪2 valid ids ni previous owner with 3 signature (each)
▪2 valid ids mo new owner with 3 signature ( each )

  • pag tinanong ka kung may ctc or confirmation na sabihin mo on process na po papagalitan ka konti pero gagawan ka padin clearance

kase nga baka ma expire lang HPG mo wala kapang ctc or confirmation

-After ng requirements verification ibabalik sayo at bibigyan ka ng landbank Receipt

(300php)

-punta kana agad sa Landbank ( cubao ) malapit sa Yale road

aurora boulevard Google map

-8:30am sila magbubukas

-after mo mabayaran pa xerox mo agad yung receipt

-balik kana sa HPG

-Ipakita mo resibo then bibigyan ka Form

-fillupan mo lang form after non submit requirements

together with xerox and orig ng landbank payment

-wait ka ma stencil motor mo (Hpg stencil) Wala ng bayad to

-after stencil picture taking

-wait and then release na ( the same day)

PAGMAY HPG KANA AT EMISSION TEST AND INSURANCE GO NA SA STEP 4

STEP 4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣4⃣STEP

-Punta ka LTO kung san ka nagrequest ng ctc or confirmation

-submit requirements

lahat orig

▪OR + CR
▪deed of sale
▪2 valid ids previous owner with 3 signature each( xerox)
▪2 valid ids mo new owner with 3 signature each( xerox)
▪CTC OR CONFIRMATION
▪INSURANCE ORIG COPY (sayo yung owners copy)
▪EMISSION TEST (kung rehistro )
▪HPG CLEARANCE + stencil + Landbank paymeny (magkakasama yan binibigay)

▪LTO STENCIL

-wait tawaging sa window then bayad then release

CONGRATULATIONS

!!!

Ikaw na ang may ari ng motor mo 🎆🎆🎆🎊🎊🎊

naway makatulong saating mga kapwa riders

LAMANG ANG MAY ALAM

mga ginastos ko po

480 PHP - Insurance
300 PHP - HPG
380 PHP - Emissiom Test
740 PHP -Rehistro + change ownership
1900 PHP = Sum

WAG NA MAGPAFIXER TIYAGA LANG KACLEARANCE

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/322029488823937/