Nobela post ahead!
Thank You Lord! Natapos din kami sa transfer of ownership and renewal of registration ng private car namin. 3 days inabot para matapos kami. Sharing our experience dahil same lng naman procedure sa MC. Sana makatulong ito sa inyo. Please note na based lang ito sa experience namin sa mga nasabing lugar in the mentioned dates.
Day 1 (June 16, 2020):
-HPG Mirasol St., 20th ave., Cubao, QC and TPL Insurance-
Dumating kami dun ng 630am at 22nd kami sa pila. Nag-announce ang isang police na 40 lang i-acoccomodate nila that day at sisiguraduhin nila na makukuha namin lahat ang clearance namin within the day. Pagkaabot ng 40 cut off na. Sinabi din agad na lahat ng may NCR at NCR new registration unit sa Mother file ay kelangan pumunta muna sa LTO G. Araneta para magpa CTC. Manila North District ang samen so nde na kami nagpa CTC. 7am nagdecide sila na magstart na magcheck ng docs. After i- check ang docs namin nagbigay ng payment order form para sa Landbank. Ang pinakamalapit daw ay Landbank sa may Aurora pero sa Camp Aguinaldo branch kami nagbayad, wala pa isang oras nakapagbayad na kami. Bumalik kami sa HPG, pina photocopy muna ang payment receipt tsaka binigay sa officer na nag-aayos ng docs kasama ng mga requirments. Habang naghihintay kami para tawagin sa macro-etching/stencil, kumuha na kami ng TPL insurance sa katabi lang ng HPG office na nakapangalan na sa asawa ko (new owner). At nagpapicture narin asawa ko kasama ang isang police katabi ng sasakyan na visible ang plate number. After ng 2 hours siguro, tinawag na kami para s macro-etching. At pagkatapos nun waiting game ulet para sa release na ng clearance. Mga around 3pm nakuha na namin clearance. Bago umuwi, nag-iwan kami ng copy ng CR/OR sa katabing emission center para ipila kami kinabukasan. (Take note, marami na nagpapila sa kanila so mas maganda magpapila na sa umaga or pagdating sa HPG palang.) Sinabihan kami na bumalik kinabukasan ng umaga para mabigyan ng number. After nun umuwi na kami.
Requirements sa HPG:
- Orig CR and OR (for checking lang)
- Orig Notarized Deed of Sale (for checking lang)
- Photocopy ng CR and OR
- Copy ng Notarized Deed of Sale
- Photocopy ng 2 valid IDs ng 1st owner with 3 signatures
- Photocopy ng 2 valid IDs mo or ng new owner with 3 signatures
- PNP MV Clearance Application form (may ibibigay n copy sayo pero pina photocopy samen baka limited lang forms nila tapos ibblik sa kanila ung pinahiram na form)
Requirements sa Insurance:
Papakita nyo lang CR and valid ID ng new owner.
Expenses:
Landbank - Php300
TPL insurance - Php800 (private car)
Tip sa nag macro-etching - Php 100
Day 2 (June 17, 2020):
-FLV Private Emission Testing Center-
Bumalik na asawa ko ng 7am para kumuha ng number. Katabi lang yan ng HPG 20th ave, Cubao. #33 binigay sa knya. Sabi balik nalang sya ng after lunch. Na-test ang sasakyan mga 2pm na. Mga 15mins ung tinagal ng test. Tapos nakuha naman after 20mins ang result/ clearance. Nakapangalan pa rin sa 1st owner ung clearance pero walang problema yun.
Requirements:
- Photocopy ng CR and OR
Expenses:
Emission Test - Php 430
Day 3 (June 19, 2020):
-LTO Manila North District Office-
Note: Temporarily closed ata yung sa Tayuman. Nsa may JT Centrale mall, Fugoso St, Santa Cruz, Manila sila ngayon. Malapit lang naman sa Tayuman. At wala kami appointment, walk in lang.
Dito kami pumunta kasi eto ang mother file namin. Need daw tlga pumunta sa mother file kapag transfer of ownership (may exemptions naman ata pag outside NCR ang mother file). Naghanap muna kami ng parking malapit sa mall, marami naman parking aides sa paligid. Nang makahanap na, Php 50 ang bayad. 7am na kami dumating sa may LTO, maikli lang ang pila. Pagpatak ng 8am, nagsimula na sila sa pagkuha ng docs ng mga nakapila at isa- isang nag MV inspection. Siguraduhin na bago pumunta eh working lahat: signal lights, head lights, low and high beam, brake, brake lights basta lahat. Kung nde, papabalikin ka after mo ipaayos yung sira sa MV mo. Sa private car, siguraduhin din may dalang spare tire, early warning device (EWD) at tools. Nung kami na, pinadala samin ang sasakyan sa may tapat ng window ng inspector. After ng inspection ng sasakyan namin, nag stencil din sila. Tapos binalik na namin sasakyan sa parking ulet. After nun hinintay namin matawag ang pangalan sa window ng inspector, nang matawag, pinapunta na sa kabilang window. Pero after dun papabalikin ulet sa window ng MV inspector para kuhain ulet s knya ang docs siguro final assessment or may need sya pirmahan. After nun, ibabalik sau lahat ng docs at papapuntahin sa parang audit window. Pagktapos icheck ang docs, magbibigay ng payment order form, punta sa cashier tapos bayad and then photocopy muna ng OR (nakapangalan na sa new owner) tapos balik sa previous window. Tapos evaluator window ulet tapos ayun nakuha na namin sa wakas ang bagong CR and OR na nakapangalan na sa asawa ko at sticker. Patience lang din sa paghihintay bawat window ng pupuntahan. Matatapos din kayo. Hehe. Around 10am pala kami natapos sa LTO. Ang bilis lang!
Requirements sa LTO:
(Transfer of Ownership with renewal of registration) March pa expired ung registration ng sasakyan pero dahil extended ang validity due to ECQ, wala nmn kami penalty.
- Orig CR and OR
- Photocopy ng CR and OR
- TPL insurance (nakapangalan na sa new owner)
- Emission (ok lng kahit nakapangalan sa old owner)
- Orig Notarized Deed of Sale (i-susurrender din ito ha)
- Photocopy ng 2 valid IDs ng 1st owner with 3 signatures
- Photocopy ng 2 valid IDs mo or ng new owner with 3 signatures
- HPG clearance
Expenses:
LTO - Php 2,379.06
Total Expenses: Php 4,009.06
(Nde pa kasama dito ang food, gas, parking malapit sa LTO)
Advice:
Medjo napadali buhay namin sa pag-aasikaso dahil siniguro namin na kumpleto requirements namin bago pumunta ng HPG at LTO. Advise ko lang na mag pa emission na at kumuha muna ng insurance (para sa mga may renewal din) a day or days before pumunta LTO para dire-diretso nalang ang pag process ng mga papel nyo. Medjo mahirap din parking for private cars sa paligid ng HPG and emission sa 20th ave. so agahan nalang tlga pagpunta para makakuha ng space.
Sana nakatulong ang nobelang ito kahit onti. Hahaha! At goodluck sa inyo! God bless! Stay safe!
Read more car registration guide.
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/303826680644218/