New System Student to Non-Pro Driver's License Application

❗️STUDENT TO NON PRO DL (NEW SYSTEM) ❗️

Sharing with you the requirements and my own personal tips and/or experience for applying Non Pro DL:

✔️ Prepare niyo na ang mga requirements niyo prior the date of your arrival sa LTO. Requirements of Non Pro DL are as follows:

  1. ADL form (much better mag download na kayo ng form na to at fill upan niyo na para pipila nalang talaga kayo)

  2. Medical Certificate (kung na-expire ito within the ECQ period, tinatanggap parin)

  3. Practical Driving Certificate (PDC)

  4. Original copy of your Student Permit

  • Photocopy niyo narin valid ID niyo (ex.: passport, UMID etc.) in case lang, may iba kasing LTO office na need rin to as a requirement.

✔️ Mag register/Gumawa na kayo ng account niyo sa LTMS portal before going to LTO (lesser time narin sainyo, dahil yung ibang nakikita ko doon palang nagreregister). Register na muna kayo dito: portal.lto.gov.ph

After niyo mag register, may papasok na notification sa email niyo stating na gagawa kayo ng password. After that, tandaan niyo na or list niyo na LTO Client number niyo and the Password na ginawa niyo kasi kapag tinawag na kayo sa designated window niyo doon sa LTO, papasa niyo na hawak niyong requirements and doon nila papatype sainyo yung LTO client number niyo and password sa LTMS portal. After this, bayad naman sa cashier ng application fee (Php100.00)

✔️ After payment of application fee, pipicturan ka na and biometrics na and then schedule for online examination na kayo. Tip ko lang na days/weeks before niyo babalakin pumunta ng LTO, mag review kayo sa portal: go to LTMS portal > Theoretical Exam. Piliin niyo lang yung pang Non-Professional na tab. Lahat ng lumalabas dito, lumabas sa exam, kaya review lang kayo ng review (pinili ko is English kasi mas madali, marami rin nagsasabe, pero depende parin sainyo if English o Tagalog, depende sa trip niyo). Suggest ko lang rin na don’t aim na ma-perfect ang score, mas nakaka-pressure, just AIM TO PASS. 48 ang passing score. 60 items ang exams.

Uulitin ko po na NEW SYSTEM ito. Kaya 60 items ang examination ko at thru online na. Ang reviewer ay nasa LTMS portal na. Para naman sa mga old system pa, ayun yung mga nagwri-written exam pa which is 40 items ang exam (di ko lang alam saan makikita ang reviewer neto pero baka dito sa group merong nag share).

NEW SYSTEM— lahat ng mga bagong aplikante para sa driver’s license mula AUGUST 2020 onwards. Sila yung mga kabilang na sa new system.

✔️ After online examination, kapag pasado ka diretcho ka na Practical driving sa baba. In my case, nagdala na ko own car para di na ko magbabayad pa ng rental fee ng car sakanila. Kapag ganito ang balak niyo, pa-photocopy niyo narin ang OR/CR ng car na dadalhin niyo, kasi kukunin to ng instructor. Papa-isang ikot ka lang ng instructor, just follow lang the signs.

As for the motorcycle, wag na wag niyo kalimutan mag helmet muna kasi mga kasabayan ko lahat sila nakalimutan magsuot. Yang mga instructors di yan nagsasalita kaya helmet first tandaan niyo.

✔️ Once na mapasa mo narin ang Practical driving nila, papapuntahin ka na sa cashier to pay the driver’s license fee (Php 585.00)

✔️ After paying, waiting nalang for the releasing ng DL niyo and you’re done

Tips: Agahan niyo, para maaga rin kayo matapos. Ready niyo na lahat ng requirements niyo para literal na pipila nalang kayo and photocopy niyo na lahat ng need i-photocopy.

Suggest ko lang rin na mag apply kayo ng Non Pro DL AFTER your birthday para 2026 ang expiry year na magreflect sa DL niyo (kasi yung iba na nagapply before birthday nila, 2025 ang expiry year). Lastly, PATIENCE lang. 😁

Thanks and goodluck sa lahat ng magbabalak kumuha ng DL.

Read more license guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/525822765111274/

2 Likes