Old Process Driver's License Application

SHARING IS CARING

loc. LTO EAST AVENUE (OLD PROCESS STUDENT PERMIT TO NON-PRO)

Unang una po sa lahat kumain po kayo bago umalis, magdala ng tubig at magdala ng mahabang pasensya.

1ST: Una po muna STUDENT PERMIT kaso po ung student permit ko is OLD PROCESS kumuha po ko march 2020 ngayon lang po ako nag pa non pro. kaya di na po need ng tdc at pdc po.

2nd: If may student permit na po kayo mas maganda po gumawa na po kayo ng portal sa bahay nyo para po pagpunta nyo po dun eh di napo kayo gagawa less hustle pa po punta po kayo sa portal.lto.gov. ph

3rd: Sunod po mag paappointment po kayo ng specific date at oras na gusto nyo po pumunta para mabilis search nyo po dito sa FB LTO Quezon City Licensing Center.

4th: Bago po lahat mag review po muna kayo bago sumabak sa gera Sa portal po na ginawa nyo na account nyo magreview po kayo don kasi po lahat ng tanong andon na po ang sagot promise.

5th: Nakapag appointment na po kayo ng gusto nyong date at oras. So pag nagpaappointment po kayo ganito po ginawa ko 8 po pina appointment ko ngayong araw dumating ako 7:45. Pero naka sched naman po ko. Binigyan po ko ng forms at fillupan po. And then magpapamedical napo. Take note bawal kapo mahuli sa nilagay mong date sa appointment or malate ka ng 5mins macacanceled po.

6th: Pa medical na po kayo paglabas nyo kanan po kayo dirediretso hanggang mauntog ka sa katotohanan di ka mahal joke hahaha. diretso lang po tas makikita mo po chowking sa taas po non tabitabi po medical pare-parehas lang po presyo.

7th: Pagtapos mag pa medical pasok na po kayo sa loob. and then nakapag pagawa na po kayo portal or meron na kayo sa portal so mag payment na kayo agad sa cashier kaya sobrang bilis ko po kasi nakapagpagawa napo ko ng portal at inattach nalang po ung medical ko at documents ko.

8th: Pagtapos nyo po magbayad proceed po kayo sa picture taking at biometrics. tas sunod po papapuntahin na kayo for exam na po.

9th: If nag review po kayo alam nyo po lahat ng mga tanong passing score is 48. Di mo kailagan perfectin ang mahalaga boss pumasa ka at naiintindihan mo lahat ng tanong.

10th: if passed kana punta na sa driving. motorcycle po pinili ko at automatic. pagtapos po proceed na po ulit sa cashier for payment sa license.

11th: pagka payment sa cashier proceed sa window 3 para makuha ko na po ung license ko.

7:45 po ko pumunta natapos po ko 10.

SOBRANG BILIS LANG PO BASTA GAWIN NYO GUMAWA NA KAYO PORTAL SA BAHAY, MAGREVIEW SA PORTAL AT PAG READY KANA PA APPOINTMENT KANA SA SINABI KO NA LINK SA FB PARA ISEARCH.

LAHAT PO NG NAGASTOS KO:

MEDICAL - ₱500
APPLICATION FEE- ₱100
MOTORCYCLE - ₱150
LICENSE - ₱585
TOTAL NAGASTOS KO PO - ₱1335 di pa po kasama pagkain at pamasahe. hehe

SOBRANG WORTH IT LAHAT NG PAGOD KUNG IKAW MISMO ANG MAGLALAKAD NG LISENSYA MO AT MAKAKAMURA KAPA.Yun lang po Magiingat po at Godbless po sa inyong lahat

Read more license guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/477813543245530/

1 Like