Paano gumawa ng Egg Tart? (Hot dessert 1 serving)

Una, gumawa tayo ng dough.
Mag handa ng mga sangkap
:heavy_check_mark:1 ½ Tablespoon Butter
:heavy_check_mark:½ Egg
:heavy_check_mark:1 Tablespoon Sugar
:heavy_check_mark:1 Pinch of salt
:heavy_check_mark:⅛ Cup and 1 Tablespoon All purpose flour
:heavy_check_mark:½ Tablespoon Water

Ipaghalo mo muna ang mga dry ingredients at yung butter. Pagnahalo mo na, tsaka mo naman isunod ang Egg at tubig masahin mo hanggang maging dough na siya (dagdagan ng flour pag dumidikit pa siya sa kamay mo makakatulong yun). Pag okay na ibalot mo sa plastic o kaya sa cling wrap at ilagay ko sa chiller. Habang nasa Chiller ihanda mo naman ang kanyang filling. (Sana all may filling. char)
:heavy_check_mark:1 Egg (beat)
:heavy_check_mark:½ Tablespoon sugar
:heavy_check_mark:⅛ Cup and 2 Tablespoon Milk
:heavy_check_mark:½ teaspoon vanilla

Ihanda naman and lutuan at pakuloan kunti ang milk at ilagay ang sugar. Pagkumulo na, isalin na sa bowl ang mixture ng milk at sugar. Hayaan na lumamig. Kunin na ang dough sa chiller at i.mold sa Tart pan. Pagna-mold mo na ihalo ang Milk mixture, Vanilla at Egg at ilagay sa tart pan.

Preheat the oven for 200° and Bake it for 15-20 Minutes hanggang maging golden brown.
Cool down for several minutes and then take the egg tarts out of the pan. Serve while still warm. :ok_hand:

Sana makatulong! Ezzy food :purple_heart::purple_heart: