Paano irehistro ang motor ng hindi umaasa sa CASA

Requirements

  • Certificate of Stock Reported (CSR)
  • Official Receipt from LTO (Original)
  • Original Sales Invoice
  • Photocopy of Valid ID
  • Insurance
  • PNP-HPG Clearance

First step,

  • Kung wala pa kayo insurance kuha muna kayo ng insurance around 500-700 pesos.

Second Step,

  • Magtanong kayo sa LTO Officers kung saan nyo ipapasa yung mga papel nyo.

Third step,

  • May mag iinspect ng mga papel nyo kung lahat ng dala nyo is tama. (Take note: Isang papel lang ang makalimutan hndi nila ipaprocess)

    “Kung kumpleto ang papel proceed kayo sa 4th step”

Fourth Step

  • May papafill up sa inyo na maliit na papel na kung saan ilalagay mo pangalan mo at contact number mo.

Fifth Step

  • Pagbabayarin kayo sa cashier worth 744.00 pesos tatanungin din kayo kung magpapalagay kayo givi box (hindi ko lang alam kung magkano ang amount non if magpapalagy kayo)

Sixth Step

  • Ipapasa nyo na yung papel nyo don sa nag inspect ng mga papers nyo at sasabihan kayo kung makukuha nyo na yung OR/CR nyo or babalikan nyo.

“Mas okay kung sa LTO Main Office East Ave. QC kayo pupunta. Mabilis ang process at napakabait ng mga tao.”

Sana makatulong sa inyo to. Stay safe and God bless.

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/308177386875814/