Paano ireport sa DTI at LTO kapag matagal irelease ng dealer/casa ang plaka

Hi, share ko lang yung OR/CR journey ko, baka makatulong sa mga matagal ng naghihintay at binibingi-bingihan lang ng CASA/dealer kahit anong kulit.
image

Week before mag holy week nag email ako afternoon sa LTO @ltotepsops.inquiry to verify the registration of my MC and nagreply morning kinabukasan na hindi pa nga na rehistro ni dealer. So, ako kinulit ko ulit si dealer na ganito ganyan pero ganun pa din explanation ni dealer na kesyo na process na at si LTO ang nag ko-cause ng delay pero of course hindi ko yun pinapaniwalaan. So, ang ginawa ko nag email ako sa DTI consumercare@dti.gov.ph and lto8888@malacanang.gov.ph and nagrespond din kinabukasan pero forwarded yung issue kay LTO Central Office. Unfortunately close yung Central Office nung holy week so expected walang action.

Ginawa ko naman, Mar 29, 2021 nag walk nalang ako nung morning dito sa DTI office, luckily nandito yung regional and provincial office sa area ko. Thank God may action agad. The same day pinadalhan ng letter yung dealer ko about my complain, the following day tumawag si dealer na nakatanggap nga sila ng letter from DTI and biglang meron na silang copy ng OR/CR ko w/c is registered the same day ng pag complain ko sa DTI.

Ps: Yes, you can complain po sa DTI kasi may paglabag sila under R.A. 7394 Article 2 Section B, "Protection against deceptive, unfair, and unconscionable sales acts and practices. And under LTO, mandated sila na iprocess ang OR/CR w/in 7working days from the date of purchased cash man or installment ang pagkuha.

Pps: 45 working days or earlier pangako ni dealer na napako, lagpas na kaya na ko nag complain.

Hope it helps. ☺️

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/503835830643301/