Paano kumuha ng drivers license?

Paano process at requirements sa pagkuha ng drivers license?

Share ko lang how I got my Student to Non Pro sharing is caring LTO San Juan
Sa mga may student na date before July no Need na po mag PDC ( practical 8 hours ) no need na po renew nyo na po bago ma expire kasi syang nasa 10 k plus din tipid nyo

Step 1 : Review online exams and app sa Non pro ay 45 items 30 passing to Pro naman ay 60 and 45 passing
Step 2 : Secure Updated Medical sa clinic na acredited nang LTO
Medical Fee : 450 Php
Step 3 : Pumilila nang maaga 5:30 AM - 8:00 AM
Nung time na pumili ako onti lang pila pero pag dating kasi nang 9 am nag cucutoff na sila di tulad before na hanggang 5 pm nag tatanggap sila
Step : 4 Casher Counter 10 160 for exam fees and admin fee
Admin fee : 160 Php
Step : 5 Exam Bumaba kami and nag hintay sa nag papa exam papaliin ka if gusto mong English or Tagalog English Pipili ko and nag take nang exam shaded yung exams bawal cp, reviewer, and mag usap while exam
Step : 6 tatawagin ka announce if pasado or hindi pag hindi may letter and retake ka for 30 days pag pasado tatawagin ka sa room i aask kung anong restriction Code balak mo. Yung sakin 1, and 4. MC and automatic Car
Step : 7 Cashier pay sa Rent vehicle nang LTO since wala akong dala nag rent ako
MC rent Auto : 430 Php
Step 8 : Nauna muna sa practical nang MC need nang tatlong ikot na hindi bumababa yung paa mo sa ground while paikot Honda Wave Semi Auto And Sumunod yung Auto Car tatlong ikot, Practice nang tamang reserve dapat sakto ka sa box na yellow pag backing mo. Makinig kang mabuti sa intructor mabait naman di ka pababayaan na mag fail Sentra 2001 Power steering gamit
Step 9 : Cashier 10 ulit 630 Pesos for the Admin fees and Computer and Registration
Registration Fee : 630 Php
Step 10 : Evaluation and Encoding Windows 1-2-3
Take picture, thumb marks, check details fill up nang form para sa Encoder
Step 11 : Releasing.
Medyo matagal yung part nato and medyo dumami yung tao sa paligid social distancing bawal naka tayo sa loob nag lunch muna ako sa tawid pag balik ko din parin ako na tatawag
Step 12 : Horaaay

Nakuha ko na DL ko after almost 6 hours waiting proud to say na naghitay ako and proud to take all exams and practical kahit ang daming fixers sa paligid nakikita mo talaga talamak kaya payo ko sainyo basta nag handa kayo and nag review magkakapasaya kayo tamang lakas lang nang loob and tiwala sa sarili Isang birthday gift to sakin kasi kinabukasan birthday ko na and nag tagaytay agad ako self drive haha

Note to all na balak kumuha nang Lisensya Aspire lang kayo makakamit nyo din yung DL na gustong gusto nyo onting tyaga lang

Total
Admin Fee : 160 Php
Medical Fee : 450 Php
Computer and Register : 670 Php
Mc and Auto Rent : 430 Php
Total : 1,710 Php
Total Time : 6 hours waiting

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/445938886432996/

Salamat sa inyo sa mga walang sawang sumagot ng tanong ko diko na kayo mamention pero para sa inyo tong pasasalamat ko.Cheers!!At totoo nga sa una mo lang iisipin yung tagal pero habang papalapit ka ng papalapit sa katotohanan.Nako iba yung saya lalo na sa release ng card Bat kapa magfifixer kung eenjoyin mo naman sa loob ng office kasi need mo maging atentibo hahahaha wag na kayo magdalawang isip sa pagkuha isipin nyo nalang na ginawa nyong mahina sarili nyo kung nag fixer kayo tiwala at tyaga sa huli may ngiti kang ipapakita paglabas at hanap checkpoint kana💯♥️

MEDICAL-500 (NAGPA MED ULET AKO SINCE EXPIRED NA LAST MEDICAL KO)
APPLICATION FEE-100
PRACTICAL DRIVE TEST (MOTOR-200 KOTSE-200)
LICENSE CARD-585
=1,585

LTO MAIN EAST AVE.

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/445416129818605/

Salamat sa group na eto, na-alert ako na pwede irenew ung expired SP ko… proceed na mag Non-Pro after 31 days… super bilis lang sa LTO QC… 🙂 kapit lang, gising ng maaga at tiyaga, magkakaresult din… 🙂 Salamat po LTO Main Office - East Ave. Quezon City LTO Quezon City Licensing Center🙂

Permit Fee: PHP 150.00
Penalty Fee: PHP 50.00
Medical Certificate: PHP 500.00

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/445208953172656/

Got my NPDL salamat sa group na to 😁 (new process)

TDC- 1500
Medical-500
Student permit- 318
PDC FOR MC- 2500
online exam- 170
Practical exam- 200(rent Mc)
Card- 650

Silent reader lang tamang pulot ng tips, 3 hrs 30 minutes lang nakuha na NPDL sa LTO-FTI

Okay ng mag tiis at gumastos may natutunan naman. Thank you mga paps 🙏

No to fixer 🚫and RS 🏍️

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/444950549865163/

Got my NPDL na po kanina thanks to this forum😊

OLD PROCESS
medical - ₱450
application fee - ₱100
license fee - ₱585
practical driving test/exam
4 wheels (kung wala po kayong sariling sasakyan) - ₱250
TOTAL: ₱1,385

tiwala lang po sa sarili at mahabang pasensya sa pag iintay HAHAHA

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/444915979868620/

Mainit pa ngaun lang sa lto sabang dasmarinas cavite

Salamat po sa page na to bago aq sumubok nag observe muna aq

D2 q rin nalaman ung exam sa lto portal… Ng bunga din ang chaga at pagod qo…!! Sa palit palit ng retriction code sa cod qo ngaun worthit lahat… Sa iba jan na ssubok plang goodluck po😊merryxmas po and happynewyear everyone😊😊

Wla pa 5k ang ngastos q

TDC and PRACTICAL at saka medical 3500
Student 317
Tas license na po 585
Rent 150
+100 sa exam
TOTAL 4,652 lang po lahat ngastos qo

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/444712269888991/

tapos na ang kaka sana all 😌

sulit ang pagod 😇😌

Maraming salamat sa group na dami ko natutunan😊 minsan din akong kumapit sa fixer pero pagdting sakin ng license alam na agad na peke sa itsura palang mabuti at naibalik pa pera ko 😌 kasi natatakot din ako mag exam at mag practical nun pero dahil sa lakas ng loob nakaya din tiwala lng sa sarili at review kayo lagi sa portal .

Para iwas hussle din gawa na kayo ng account sa portal para pag punta nyo ng lto rekta exam na kayo

tdc-sp-pdc-dl 👌

*tdc- 1650 ksama na certificate sa excel driving school (sa mga qc inquire lng kayo kay mam

Dhey Valdez

*medical- 600(kaya 600 kasi kasama na ung sa blood type kapag di mo pa alam, optional naman sya)

*student permit -318

*pdc -2500 excel driving school din ung pdc nila sa mandaluyong lng may pa free lunch n din yan di kana lugi 1day process, bigay din agad certificate.

*application fee-100

*motor rent-150 (sa actual driving wlang nagbabantay sa labas bigay mo lng ung mga papel mosa window B dun sa nagpapa actual tes tas may papabasa lng sayo na rules pili ka motor n gusto mo tas isang ikot lng tapos na )

*driver license card -585

TOTAL:1650 +650+318+2500+100+150+585=5933

Sa Main Ako kumuha sa east ave 😊

Goodluck sa Mga kukuha , Kaya nyo yan 👊

#NotoFixer 👌

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/444655506561334/

Pahabol po bago mag end ang year🤗

Silent reader din po ako

Malaking tulong po etong group na ito para makapasa especially sa exam.halos 90% nag mga question nasa LTOPORTAL

Review tiwala lang sa sarili saka samahan mo ng dasal

May student na ko march 18 2021 expired kaya inasikaso ko na ( para hindi na back to start)

No pdc tdc required

Kung di pa expired ung student permit mo at hindi din naissue aug1 2020 until now no need to take pdc and tdc

Need lang nila ng certification na kakilala mo na nagturo sayo mag drive at xerox ng drivers license nya ( masmaganda kung relatives)

MEDICAL - 450
EXAM FEE - 100
LICENCE CARD FEE - 585
Total - 1,135

Sana makatulong to guys

Happy holidays to all

Respect nadin po🤗

Notofixerguys kung kaya ko kaya nyo din🤗

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/441853190174899/

Nagbabaga umaapoy pa…

Thank you po LTO Quezon City Licensing Center

Napaka accomodating and approachable all employees including guard’s… Pati ang PAGE very responsive po. MABILIS ANG PROCCESS.

NO TO FIXER…

YES TO TIWALA SA SARILING KAKAYAHAN…

FOR M.C PROCCESSING PO.

Sa mga nagtatanong paano kumuha ng LISENCE…

Basahin…

  1. Kailangan mag apply ka ng THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) sa mga DRIVING SCHOOL na LTO ACCREDITED PO,may bayad na 2,950 DEPENDE sa ACCTD.SCHOOL.

Sa pag apply mo ng TDC 3days seminar po yon, at sa loob ng tatlong araw lahat e didiscuss sa inyo ng instructor niyo. Sa pang tatlong araw don palang mag i-EXAM… Kailangan maipasa mo ang exam para mabigyan ka ng TDC CERT.

  1. Kapag meron kana ng TDC CERT. Pwede kana pumunta sa LTO na pinakamalit para mag apply ng STUDENT PERMIT(SP). Pero para hindi na ma hassle, unahin palagi ang medical exam.

Recq.

Birth.Cert,

TDC CERT,

MED.CERT.

Sa pag apply ng SP

500 MEDICAL

150 PORTAL

250 SP

Antayin na marelased after mabiometric.

Kailangan sa lahat ng transaction mahaba ang pasinsya at dapat palaging maaga para mabilis at mauuna ka.

Valid for 1year ang SP PERO one mos. Simula na released pede kana mag apply ng NONPRO.

  1. Kung nakapag 1mos kana sa SP at gusto mo na mag karoon ng NPDL.

Kailangan mo ulit mag apply sa LTO ACCREDITED D.S. para sa PRACTICAL DRIVING COURSE (PDC).

Ang babayaran 3, 000.

Sa PDC 15 HOURS of practical driving kailangan lahat ng sinasabi ng instructor alam mo na sya ang mag bibigay ng antas para makuha mo ang PDC CERT.

4.Pag may PDC na pwede na kumuha ng NPDL.

Recq.

STUDENT PERMIT

PDC CERT

MEDICAL -500

Palagi po unahin ang medical…

Sa NPDL

APPLICATION FEE 100

MAG i EXAM KA WRITTEN OR PORTAL KAILANGAN MAIPASA MO…

MOTOR RENT 150

KAILANGAN ALAM MO.

NPDL CARD 585

RELEASED…

Thank you ulit sa mababait na employees sa loob ng LQCLC

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/441151353578416/

Student Permit to Non-Pro License Application Experience at LTO Lipa District Office. SP Expiry Date: 12/23/2020

Additional Tips:

  • Magpa-schedule ahead, or pumila ng maaga. LTO Lipa DO only accepts 45 applicants, sa pagkakarinig ko ngayong araw.

  • Bago ka pumila, siguraduhin mo na may valid medical ka na para less hassle. Nakapila ka nga ng 3AM, pero kulang requirements mo, hindi i-aaccept ang application mo. Sa case kanina, may mga umalis sa pila nila dahil magpapa-medical daw, pero parang hindi isinama sa bilang dahil wala sila sa pila.

  • Online ang exam sa LTO Lipa DO, kaya paki-ignore na ang old reviewers, at gamitin ang e-learning theoretical exam sa LTMS Portal https://portal.lto.gov.ph/ords/f?p=PUBLIC_PORTAL:THEORETICAL_EXAMS:117425928690915:::::

  • Pwede nang mag-practical exam sa LTO Lipa DO KUNG ikaw ay may dala o hiram sa kakilala na motor/tricycle/sasakyan, depende sa ina-apply-an mo, wala pang available rental vehicles sa LTO Lipa DO

Additional Requirements:

Na-issue and Student Permit ko last December 2019, so hindi ako ni-require ng PDC, PERO, nirerequire nila ang mga sumusunod bago ka makapag-practical exam.

  • Certification o Katunayan na ikaw ay tinuruan mag-drive ng may Non-Pro o Professional Driver’s License (Father ko ang nag-turo sa akin)

  • Photocopy ng Lisensya ng nag-turo sa’yo

(Never itong nabanggit ng mga nakausap ko, hindi ko rin nakitang may ganitong requirement na naka-post. Babanggitin lang pag naibigay na sa’yo ang form. Buti na lang, taga-Lipa ako, madali lang hagilapin sa father ko. Pero kung taga-malayo ka, hassle. If hindi ka makapag-provide nyan, hindi ka makakapag-practical exam.)

  • ORCR ng sasakyang gagamitin kapag nag-practical exam

  • Authorization Letter ng may-ari ng sasakyan

  • Photocopy ng Driver’s License ng may-ari ng sasakyan

(Again, never nabanggit sa mga naunang steps. Nabanggit lang sa akin nung magppractical na. Hassle di ba? Buti na lang may napagtanungan ako dito sa group, at inadvise na humingi na agad ng authorization letter at iba pang requirements.)

8AM pinapasok sa LTO Lipa DO

8AM-10AM offline pa ang system nila

10AM nag-start nang i-process ang SP at License Applications

11AM-12NN - nakapag-take na ako ng online exam

12:30PM - 1PM - additional requirements + practical exam

12NN - 4PM - down ang system, pinauwi na ang mga nakapasa sa exams na for releasing na

Official website ng LTO para updated ka sa announcements or new requirements nila:

https://lto.gov.ph/

Please observe social distancing and proper health protocols (mask, face shield, and safety protocols). May pandemya pa din po, at hindi biro ang epekto nito. Salamat at mag-iingat!

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/440575236969361/

·

Edited:

No more Sana all😆Got my License today 😁 Thanks to this group and sa mga taong napagtanungan ko dito . Sarap sa feeling kapag pinag hirapan mo❤️ Worth it ung 9hrs ko pag iintay,sobrang haba kasi ng pila. At Depende po kung saan na LTO office ka po mag apply kasi ung ibang branch po ay Old System pa kaya mas mura ang expenses. Nakakuha na ko, Sana kayo din . God bless po .

#NotoFixer

Student to Non -pro

Expenses:
TDC - 1800
Medical-600
SP-317
4wheels Automatic transmission
PDC -6800
Medical-630
Blood type-150
DL Card- 656
Card case- -40
Total- P 10,933

P.s Depende po sa Driving school ang price ng PDC at TDC nila.

P.p.s Nag expired na po kasi ung medical ko kaya nagpa medical ulit ako.

Disclaimer : This is not a bragging po, I just want to share lang po ang expenses sa New system ng pagkuha ng DL.

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/438718703821681/

I got it today! 😍😍

( Guiguinto LTO)

Thank you sa group nato madami akong nalaman na proseso kung paano kumuha.

Kwento ko lang kung ano mga ginawa ko para may idea kayo.

SP - Dec 20, 2019 kaya expired na sya sa Dec. 20, 2020

Old policy pako.

8:30 nagpunta ko sa LTO Guiguinto Dec. 3 para mag pa schedule, madali lang naman siguro mga 30 minutes may number nako at the same time naka pagpa medical nako.

450- Medical

And then na schedule ako ngayong Dec. 18,2020 for the exam.

168 - Examination fee

653- I.D. non pro restriction 1

0- Rental fee motorcycle

TOTAL- 1, 271

Sobrang dali lang ng exam. Binabasa ko lang lagi yung binigay sakin na reviewer ng mga kaibigan ko…

7:30 ako nagpunta natapos ako mga 11am nasa akin na yung license ko.

Kaya wag na kayo mag pa fixer dahil sobrang dali lang ng process ngayon sa pagkuha ng lisensya at mabilis din. Kasi nga per day 100 clients lang…

Regarding naman sa rental ng mutor… mutor ng kaibigan ko ang ginamit ko sa test drive kaya walang bayad. Pero meron namang mutor don na nirerentahan 350 nga lang.

Actually ang sabi bawal daw kase hindi nakapangalan sakin yung mutor.

Basta insist nyo lang bakit bawal, pero pedeng umarkila sa inyo? Tandaan ninyo hindi hawak ng LTO ang test drive nayan. at try nyo rin magtanong tanong sa loob mismo ng LTO kung pwedeng bang i-test drive ang hindi mo mutor ang sasabihin nila pwede! Kaya iinsist nyo na pwedeng ibang mutor… kase walang kita sila pag hindi ka nag arkila sa kanila. HAHHAHAHA

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/438747807152104/

NORMAL PROCESS/ WALANG KAPIT/ WALANG LAGAY.

ATM MGA LODI

RENEWAL OF SP TO NON-PRO(Old Process)

LTO BOCAUE

7:30AM NAKUHA KO NG 10:50AM EXACT

500 - MEDICAL
168 - EXAM
300 - MOTOR
600 - KOTSE
653 - CARD
TOTAL = 2221 PESOS

PAG MAY DALA KANG MOTOR AT SASAKYAN PHOTOCOPY MO LANG MGA LODI ORCR PARA TIPID AT HIND KANA MAG RENT

SA MGA NAKAKUHA NA NG STUDENT PERMIT BEFORE NEW MEMO, NO NEED NG PDC. DUMIRETSO KANA SA PINAKAMALAPIT NA LTO.

SA REVIEWER

PWEDENG SA PORTAL, YOUTUBE, GOOGLE.

PILIIN KUNG SAAN KA KOMPORTABLE ENGLISH OR TAGALOG, PERO SA BOCAUE TAGALOG LANG MGA LODI, MABILIS DIN ANG PROCESS

SANA MAKATULONG SA INYO MGA LODI, ISA RIN AKO SA MGA NAKIKIRAMDAM SA SITWASYON NUNG NAKARAAN

HINDI NA TITIBOK ANG PUSO SA MGA T. ENFORCER HAHAHAHA

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/438535103840041/

Flexin’ 💪🏻

New LTO policy from TDC-SP-PDC-DL Nonpro😉

Freshness mainet inet pa😁😂 magastos but achievement 😊 Say no to fixer🙅🏻‍♀️

Walang pila and super bilis ng process from 8AM-11:30AM nakuha din agad😊from LTO Imus branch

TDC- 1850 + 200 certificate (smartdriving)

SP- 318 + 450 medical

PDC- 4k + 200 certificate (gear1)

DL Nonpro- 585 + 100 application (250 optional if sa kanila mag rent ng car)

Just sharing😊 thank you sa group na to andame ko natutunan😍

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/438009507225934/

Thank you lord nakakuha narin po ako ng license. Mas mabilis po kumuha sa LTO bocaue kesa sa guiguinto kasi dun kami galing kanina pinapabakik pa ko for exam tas may nabasa ako dito sa group na sa LTO bocaue nga daw mabilis. Totoo naman po mas mabilis po dun 8:30 kami dumating mag 11 lang tapos na kami.

Medical 450

Bago mag exam 168

After exam 653

Motor rent 300( kung walang dala)

Yan po yung mga binayaran ko.

Thank you po sa nga taong sumagot sa mga comments ko at tanong ko lalo napo sa gumawa ng group nato. Dahil sa inyo lumakas yung loob namin sa pagkuha. Ingat po tayong lahat.

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/438011837225701/

Yung takot ka mag exam ng pro kasi baka bumagsak ka at mag sisi na sana nag non-pro ka nalang pero kaya naman pala basta tiwala lang, pasensya sa mahabang pila, dasal at syempre review review din pag may time 😊😄😁

Add restriction

Non-pro to Pro

PDC sedan M/T 4,000

Medical 450

Application fee 100

Replacement fee 225

Change DL code fee 100

Change classification fee 100

(Additional 200 kung wala kayo dala sasakyan para sa test drive)

❌ NO TO FIXER

✅ YES TO LTO PORTAL REVIEWER

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/437230827303802/

Sa wakas nakakuha rin ng Non pro bago mag cut off ang Lto ngayong month ng december😄No to fixer yan…pinaghirapan ko yan! Lahat ng nasa reviewer sa portal yun din ang lumabas sa exam kaya need mo talaga mag review para pumasa ka sa exam. Nagastos ko:

Medical-450

Application fee-165

License card-585

Rent sa motor for drive test-150 and last pamasahe at foods worth 250 total=1600.Pumunta ako ng 9am natapos ako ng 12:30pm.medyo natagalan lang ako sa pag register sa online portal dahil sa poor signal minsan ng data ng cp ko tapos nalobat pa…wag na kayo mag pa pixer dahil madali lang naman ang exam basta magrereview kalang talaga at sa drive test magsuot muna ng helmet bago paandarin ang makina yan ang tip ko…

https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/permalink/436909967335888/