Renewal of Motorcycle Registration. LTO Las Pinas

Renewal of Motorcycle Registration ( First Owner po ako ) LTO Las Pinas

Expired Rehistro ko May 15, 2020.

Total cost: P 1,494
image

Requirements:

Photocopy OR CR

Tyaga 💪

Diskarte 😁

Dasal 🙏

STEP 1

Kuha ka TPL Insurance. ( sa Loob ng LTO ko kinuha at binayadan. PWEDE ka din kumuha TPL sa labas LTO baka mas mura!) . 15-30 mins processing lang tapos na depende sa dami ng tao.

PS. Huwag mo kakalimutan ipa authenticate! Importante yun!

Bayad: P650

STEP 2

Emission Testing ( First come first serve! Dumating ako 7:30am puno na. Cut off agad. Ung iba nadinig ko pumila ng 3am 😱😵😫)

Sa case ko, naghanap aq emission testing sa labas LTO. Kahapon, 6 pinuntahan ko , muntinlupa at pelayo LP. Olats! Puno na lahat!

Kanina pinila ko na lang ng 6am sa Pelayo. Tapos pinabalik ako 2pm. Natapos 4:50 pm. Diretso na ko LTO LP tapat lang naman!

Bayad: P 400

STEP 3

Dumating ako LTO 4:51PM (9mins before closing time 😁😁)

Pina validate ko lang dun sa Nakaduty sa tent sa labas kung okay na Requirements ko ( TPL at Emission result) tapos tatatakan nila “PASSED”

Pila ka na sa line for MC registration. Nung time na un! Wala na pila, diretso na ko Window 3 gave all my docs. Then bibigyan ka stub kung magkano babayadan mo sa Cashier.

Antay lang ako tawagin sa cashier bayad ako. Submit all requirements. Then Antay ulit window 8 for releasing ng OR ko! Done!!

Within 8mins , released na OR ko!! Pag may Tyaga, may nilaga!

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/298087427884810/