Step-by-step LTO Car Registration Guide

2021 Registration (my experience):

Sana makatulong 😉😊🙃

Edited:

  • Bago magtanong sa comment section, please read the instructions and the things you need to note for.
  • BTW, I’m just sharing it to you guys so that you may have an idea kung “Ano at Papaano” mag renew ng registration ng motorcycle and car dahil parihas lang naman sila ng process.

image

Things to bring:

  • Xerox copy of ORCR (atleast 3 copies)

Instructions:

  1. Emession - 400 (much better na maagang pumunta sa mga emession testing kahit 5am or 6am para mauna kasi kapag 7am na marami rami na ang tao.

  2. Third Party Insurance (TPL) - 400-650 kapag susubra pa nito ay questionable na. Kasi sa loob ng LTO ay nasa 650 pesos lang kapag mas mahal pa jan sa labas ay sa loob ng LTO kanalang.

  3. Inspection , Stencil no needed pero pag change name ay kailangan pa nito.

  4. Cashier pila muna then bayaran na ang dapat bayaran (depende ang babayan mo pero around 500 pesos lang iyan.) 😅🤣

  5. After makapag bayad hintay munang tawagin ang pangalan (*ng may ari ng ng ipinarehistro) then kunin ang O.R. at umuwi kana at magpasalamat dahil madali nalang magparehistro ulit ngayon.

Things to note:

  1. All proccess ng renewal of registration ay pwedeng gawin sa loob mismo ng LTO kailangan mo lang na mas maaga kang pumila o dumating 6am is my preferred time.

  2. #1 & 2 ay pweding gawin ng sabay if kaya or if you have time to wait sa emission ay pwede mong unahin ang #2.

  3. #1 & 3 atleast yung motor mo ay dapat condition: change oil, headlight and signal light are working, side mirror no defect, brakes, and etc,.

  4. #3 & 4 sa loob ng LTO

  5. Wag na wag kang makipag usap sa mga taong kahina hinala lalo na sa emession testing at sa mga nagbibigay ng insurance sa motor at sasakyan. Mga buwaya yan… as much as possible wag mong kausapin, diritso kanalang sa emession testing center at magtanong tanong ka sa mga kasamahan mong magpaparehistro kung saan sila nakakuha ng insurance kasi kung sa fixer ka pa *makapag tanong lagot ka sakanila dahil parang Mike Enriquez lang sila dahil hinding hindi ka nila tatan-tanan!

  6. Basahin ulit ang # 5 nang maigi bago magparehistro. 😅🤣😂

  7. Ikaw na bahala…

Edited: 8. Hindi sila ngayon nagbibigay ng sticker for 2021.

*My experience, natapos ko ito ng 3 hours pero natapos ko lahat sana ng 2 hours if ever hindi nagka aberya ang LTO dahil offline sila nung magbabayad na sana.

*My overall expenses, 1, 331 pesos (emession-400, Insurance (TPL)-400, renewal of reg.-531). Note: Bakit yan lang nabayaran ko paki basa nalang ulit sa instruction.

Sana makatulong po ito!

No to FIXER!

Ride safe always!

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/482724599421091/