1/19/2021
Kumuha ako insurance sa Cebuana Lhuillier(dapat sayo nakapangalan ang OR & CR)
1/20/21
Clean Nature Emission Testing Center kanlaon st., likod ng Suki Market
6am ako dumating,
7am binigay ko na papel, bigay nyo kay Kuya Joel(yung nasa picture)
7.30am tapos na emission at picture(di na need naka open makina)
Php 450.00 Motor
Php 500.00 Car/SUV
Php 600.00 Truck
May bali-balita magmamahal daw ang singil sa mga emission centers at ang iba dito ay isasara daw ah
8am diretso LTO La Loma District office(dala ka Face Shield)
dala mo na dapat ang insurance at emission proof,
Pa stencil kana,
Scan QR code or sulat ka sa papel na ibibigay(contact tracing),
Punta kna sa window 6 or window 7
Mga 8.30am done na
and the rest was history again , mabilis naman na pag ok na lahat ng dala mong proof(mas ok kung dala mo last year na OR mo)-sabi kasi may bagong memo na kung saan ka last year nagpa rehistro dun kna din magpa rehistro
Gastos
Php 300.00 insurance
Php 450.00 emission
Php 524.00 LTO registration
Total Php 1,274.00
PS; kung maabala kapa, magpalakad ka bayad ka ng Php 2,500-2,700
Read more car registration guide.
Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/458197218540496/