LTO Motorcycle Registration and Change Ownership

Para po ito sa pag CHANGE OF OWNER SHIP at pag REHISTRO NG MOTOR SABAY GAGAWIN

PAKI BASA PO PARA PO MALINAWAN

hpg clearance - 300
emmision -450
insurance -750
change of ownership and rehistro -613
Change of ownership and rehistro ng motor
image

Step 1 Need mo Double check lahat ng documents na hawak mo

Check list#

Deed of Sale notary

1 or 2 valid ID of the 1st owner with 3 signatures

OR/CR need Original for change of ownership

Need ninyo pa xerox Deed of sale and OR CR ung sa OR CR kahit mag kasama sa iisang xerox ok lang mag xerox na kayo ng 3-5pcs ng OR CR kase mas maganda na ung sobra kesa kulang mag hahanap kapa ng pag xeroxan sa Deed of sale kahit 3 copies lng.

Step 2 check mo ung CR mo if NCR new need mo kase kuwanin ang mother file ng motor mo pero kung alam mo kung saan naka 1st registered ung motor mo puwede ka doon pumunta sa LTO para kuwanin ung mother file pero kung di mo alam punta ka sa pinaka malapit na LTO sayo at mag request ka ng confirmation sabihin mo para sa mother file para makapag change or ownership need doon Deed of sale OR CR na xerox

Step 3 mag hanap ka ng emmision na mabilis lang makapg process kung wala mag pa schedule ka muna tapos kung nakapag pa schedule kana gawin mo a day before sa schedule mo sa emmision doon ka kumuha ng HPG clearance kase sasabihin mo sa emmision test na for change of ownership meron kase mga emmision na hindi tatangapin ung request mo pag wala ka pang hpg clearance pero pag meron kang nakita na emmision na kahit wala ka pang hpg clearance eh pumapayag na ipangalan na sayo mas ok kase mas matagal validity ng emmision kesa sa hpg clearance ang need sa emmision is OR CR xerox

Step 4 HPG Clearance need dito Deed of sale/OR CR /CTC or mother file need mo ng xerox at dalhin ung original kase check nila iyan bago ma process check din ninyo kung tama ung spelling nung naka sulat sa Deed of sale ninyo 300pesos ang bayad diyan sa land bank meron kasama iyan na need ninyo fill up lahat naman ng need ninyo na isagot dun sa pina fill up nila is nasa Deed of sale ninyo and nasa OR CR tips lng pag kukuha kayo hpg need ninyo na maaga pumunta kase 2am pa lang ng madaling araw meron ng pila at limitado lang kada araw nasa 20 lang na tao pero dipende sa branch ung iba mas marami pero ung mga madalas nasa 20 lang kada araw

Step 5 pag na kuha mo na Emmision and HPG clearance sunod na gawin mo is mag hanap ng murang insurance tapos punta kana lto mag papa stencil ka muna doon bago ka papasukin sa loob para dire diretso na ung stencil wala naman bayad mag papa asst ka lang sa mga tao ng lto na naka duty sa area

Step 6 pasok ka sa loob ng LTO sasabihin kung saan window ka pupunta tapos hintayin mo na lang ung name mo tawagin pag tapos nun naka name na sayo at naka rehistro ang motor mo 📷:slight_smile: basta palagi mo sasabihin sa kanila na for change of ownership and rehistro po ganun lang.

additional sa mga ng tatanong

Q.paano pag xerox OR CR lng ang meron
A. di ka makakapag change of ownership pero puwede ka makapag rehistro

Q.paano if 3rd owner ka tapos di binigay sayo ni 2nd owner ung deed of sale nila ng 1st owner.
A.dapat makuha mo iyon kung hindi naman try mo contact ung 1st owner at mag gawa kayo ng bagong deed of sale. kalalabasan nan is ikaw na 2nd owner

Q.pag naka kalkalpipe or chicken pipe papasaba sa emmison
A.mas maganda if ung stock pipe gamitin mo para sigurado

Q.paano pag naka rehistro na ako ng bago puwede ba ako mag pa change of ownership
A.pag naka rehistro ka ng bago tapos gusto mo mag pa change of ownership balik ka ulit sa umpisa kase pag pina change of ownership mo ung motor ung nakarehistro is ung 1st owner or kung sinu ung naka sulat na name doon sa CR mo kaya pag ng change of ownership ka ng naka rehistro motor mo ulit ka sa pag kuha ng emmision insurance at rehistro. kaya ginagawa ung change of ownership ng sabay kase nan dun ka din naman ng process kana ng mga documents kaya isabay na lng din pag pa expired na rehistro pero ung sakin expired ang rehistro ko sa motor ng 3months

Ito po link sa mga ng tatanong kung anu ang requirements pag sumakabilang buhay na ang owner ng sasakyan LINK:https://dmv.vermont.gov/tax-title/death-of-owner

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/320650522295167/