Renewing Motorcycle Registration at LTO

from 1700 pesos to 1100 pesos all in

Renew Motorcycle Registration, no Fixer - especially for MV File pa lang yung mga plaka.

share ko lang mga paps yung naging exp ko bat nakatipid ako sa pag papa rehistro. tulong na rin sa mga kapwa Riders, ganti ko din to sa OVERPRICE and walang consideration sa oras na mga taga emission and insurance sa loob ng LTO.

dahil sa OP and hassle sa time yung insurance and emission sa loob ng LTO kaya nag experiment ako kung tatanggapin yung insurance and emission na manggagaling sa Labas ng LTO
image

1st step.

kuha kayo ng “Authorization to use Temporary Plate” sa LTO, libre lang yun. pag tinanong kung bakit need ninyo, sabihin nyo lang na may kamag anak kayo sa insurance company, doon lang kayo mag papa cptl kamo.

pa xerox ninyo 3 copies( for insurance, for emission, for LTO ) much better kung mag tabi din kayo ng kopya para sa inyo and scan nyo yung authorization para sa next year registration mo, hindi ka na pupunta pa ulit sa LTO.

alin man sa dalawa yung malapit sa inyo, insurance or emission.

Insurance Step

punta kayo sa insurance na nag proprovide ng CTPL and purpose for LTO Renewal ( depende sa Insurance yung price nila, ang sakin kasi 300 pesos lang., mag research na lang kayo sa FB , madami nag oofer.)

sandali lang yun. mas mabilis yung nasa labas compare sa loob ng LTO based on my experience, naka aircon ka pa. computerize pa yung insurance, yung sa loob ng LTO, naka typewriter hehehe

Emission Step

survey kayo sa mga emission centers malapit sa inyo, prepare nyo lang yung Authorization Xerox Copy and money ( nasa 350 pesos lang ung nagastos ko )

dito ako natuwa kasi napakabilis nung test., wala pa yata 10 mins., hindi tulad sa loob ng LTO , inabot yata ako ng 3 hours sa emission pa lang

pag na complete nyo na yung insurance and emission, punta na lang kayo sa LTO malapit sa inyo, ready nyo mga requirements, hingi kayo form, pa stencil nyo motmot ninyo, balik sa LTO, for processed of Documents, pay the amount required.

***LTO Requirements

  • ORCR Xerox Copy
  • OR Receipt Original ( hindi ko sure kapag xerox lang pinakita mo na O.R baka pagawan ka pa ng Notice of LOSS,
  • LTO Form with Stencil
  • Money of Course
  • Price and Time Consume Difference

INSIDE LTO

  • Insurance - 650 to 700 pesos( mga nasa 30mins to 1 hour )
  • Emission - 300 ( as for my experience, inabot ako higit 3 hours, gawa ng sobrang dami ng napapa emission sabay yung mga paipit ng fixer )
  • LTO - depende to sa Vehicle ng mo.
  • inabot ako almost 1700

OUTSIDE LTO

  • Insurance - 300 ( mas makakamura sa Cebuana, im not sure kung pwede sa kanila yung authorization )
  • Emission - 350 ( mas mabilis hindi hamak sa loob ng LTO)
  • LTO - depende to sa Vehicle ng mo
  • nasa 1100 lang.

P.S

kung sa loob kayo ng LTO mag pa emission and insurance, huwag na huwag nyo ibibigay yung mga documents ninyo doon sa nangunguha, ubos oras kayo doon. iniipon kasi nila. tingin na lang kayo sa ibang nag oofer sa loob ng LTO

Read more car registration guide.

Information in this post comes from the facebook group that we manage https://www.facebook.com/groups/LandTransportationOffice/posts/435497530810465/